Nat’l gov’t at lokal na pamahalaan ng Sulu, dapat mag-usap ukol sa mga proyekto na kailangang mapondohan sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangan na makapag-usap na ang national government at lokal na pamahalaan ng Sulu, kung ano ang mga prayoridad na programa at proyekto sa 2025.

Ito ang apela ni Basilan Representative Mujiv Hataman kasunod ng desisyon ng Supreme Court na hindi na kasama ang Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang kawalan ng pondo para sa Sulu sa ilalim ng 2025 National Budget.

Paalala niya na ang mga serbisyong pangkalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan ay dapat magpatuloy nang walang pagkaantala. Kasama na ang pa-sweldo sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Sulu.

Kaya mahalaga aniya na mapag-usapan kung ano ang kakailanganing mapondohan.

Mungkahi pa niya na magkaroon ng special provision sa block grant ng BARMM na maipagpatuloy ang pagpondo ng regional government sa Sulu kahit pa hindi ito naisama sa Bicam deliberation ng Panukalang Pambansang Pondo.

“Dapat ay mag-usap na ang national at provincial government kung paano sosolusyunan ang problemang ito. Sana ay magkaroon ng plano ang gobyerno para siguruhin ang kapakanan ng mga taga-Sulu dahil walang pondo ang lalawigan sa 2025 Proposed National Budget,” saad ni Hataman. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us