PAGASA, nagbabala sa matinding pag-ulan dulot ng Shear Line at ITCZ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ang PAGASA ng Weather Advisory No. 46 ngayong umaga, December 27, ukol sa inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng Shear Line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ngayong araw, asahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar ng Cagayan, Isabela, Apayao, Palawan, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Sarangani, Davao Occidental, Davao Oriental, South Cotabato, Sultan Kudarat, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. 

Bukas, posibleng maging mas matindi ang ulan sa Cagayan (100-200 mm), habang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang asahan sa Apayao, Isabela, Palawan, Eastern Samar, Southern Leyte, at iba pang lugar.  Sa Linggo, December 29, apektado ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, at Palawan. 

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na DRRMO na maghanda at magsagawa ng kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang sakuna. Maglalabas ang PAGASA ng mga karagdagang abiso kung kinakailangan.  | ulat ni Emmanuel Bongcodin | Radyo Pilipinas Albay

Source: PAGASA


Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us