Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong Commanding General ng Philippine Air Force (PAF) na walang puwang sakanilang hanay ang pagpapaka-kampante.
Sa Change of Command Ceremony ngayong araw (December 19) sa Villamor Airbase, sinabi ng pangulo na sa loob ng dalawang taon na pamumuno ni Lieutenant General Stephen Parreño, marami ang nagawa at at misyon na naisakatuparan ng Air Force.
Dahil dito, hinikayat ng pangulo ang bagong Commanding General na si Arthur Cordura, na ipagpatuloy o higitan pa ito.
Nagpahayag ng tiwala at kumpiyansa ang pangulo, na magagawa ni Cordura na gabayan ang Air Force at gawing mas credible, mas agile, at mas responsible ang hanay nito.
“The road ahead is not without its challenges, but I am confident that you will rise to meet those challenges. With your steadfast leadership, you can guide the Air Force towards becoming an institution that is more agile, credible, and responsive to the demands of an ever-evolving security landscape,” -Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, hinikayat rin ni Pangulong Marcos ang hanay ng Air Force na ipaabot ang buong suporta sa bagong liderado ng PAF, at patuloy na ipamalas ang prinsipyo ng kagalingan, pagiging tapat, at pagtugon sa tawag ng kanilang sinumpaang tungkulin.
“To the men and women of the Philippine Air Force, your service is a source of immense pride for our country. Under this new leadership, you may continue to reach even greater heights, embodying the principles of honor, duty, and excellence,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan