Nananatili ang pangako ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusulong ng karapatang pantao sa lahat ng misyon at operasyong gagawin nito.
Iyan ang binigyang diin ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ngayong araw kasabay ng paggunita sa National Human Rights Consciousness Week.
Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Brawner na kakambal na ng kanilang pagtupad sa mandato ang pagtataguyod sa karapatang pantao.
Magsilbi aniyang paalala ito sa lahat ng Sundalo na maging tagapagbantay ng Saligang Batas at tagapagtanggol ng karapatan ng bawat Pilipino.
Ginugunita ang National Human Rights Consciousness Week tuwing Disyembre a-4 hanggang a-10 ng bawat taon. | ulat ni Jaymark Dagala.