Tuloy-tuloy na ang taunang tradisyon ng pamamahagi ng regalo sa mga lolo at lola sa Valenzuela City.
Ngayong araw, mamimigay ng pamaskong handog gift packs ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pitong barangay.
Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Bignay, Punturin, Lawang Bato, Canumay East,
Paso De Blas, Parada at Barangay Maysan.
Ayon sa LGU, nasa ika-5 araw na ang kanilang pamamahagi ng gift packs sa mga senior citizen.
Ngayong taon, naglaan ang pamahalaang lungsod ng P60,836,000 halaga ng gift packs at bigas na ipinamamahagi bilang pamasko sa mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer