Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa ng 36 na bagong promote na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong hapon (December 4) sa Malacañang.
“And this year, you have shown what excellence in public service looks like.”— Pangulong Marcos.
Pagbibigay diin ng Pangulo, ang tunay na sukatan ng paglilingkod ay hindi naman naka-base sa ranggo, promosyon, o parangal na kanilang matatanggap, bagkus ay nasa paggampan nila ng kanilang tungkulin na isulong ang integridad ng Pilipinas, at tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino.
“This gathering reminds us that the true measure of service is not found in accolades or ranks or promotions; it lies in the fulfillment of your duty to uphold the integrity of our nation and to ensure the safety and security of every Filipino citizen.”— Pangulong Marcos.
Hinimok din ng Pangulo ang mga bagong promote na heneral na ipagpatuloy ang paggampan sakanilang mandato nang mayroong pinakamataas na porma ng karangalan, maglingkod nang mayroon integridad, at manindigan para sa Konstitusyon, katotohanan, at higit sa lahat, para sa mga Pilipino.
Kaugnay nito, umaasa ang Pangulo na ipagpapatuloy ng AFP ang paglilingkod mayroong buong katapatan sa bayan, kasabay ng pagtiyak na nasa likod nila ang sambayanang Pilipino, at ang administrasyon.| ulat ni Racquel Bayan