Malaki ang nakikitang benepisyo ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan para sa mga guro sa pampublikong paaralan kung maisabatas ang inihaing panukala para sa libreng Master’s Degree para sa mga kawani ng pamahalaan.
Aniya, sa paraang ito, matutulungan ang mga public school teacher sa kanilang career growth at para ma-promote.
Bagama’t mayroon nang batas para sa career progression ng mga guro kung saan maaari sila mamili kung magpapatuloy sa pagtuturo o lilipat sa administrative role, ang mga nais mag turo ay kailangan ng Master’s Degree.
Sakop ng HB 8834 o proposed Free Master’s Degree Tuition for Government Employees Act, ang mga career at non-career workers sa public sector na palasok sa state universities and colleges (SUCs) para sa kanilang graduate studies.
Kaya apela nya sa mga kasamahang mambabatas na suportahan ang pagpapasa sa panukala, para mabigyan ng tyansa ang mga guro na kwalipikado naman sa promotion, ngnunit kulang ng kinakailangang master’s degree.
“Thus, we are appealing to our colleagues in Congress to approve House Bill 8834 to help thousands of teachers who are otherwise qualified to be promoted but lack the required master’s degree or units,” ani Yamsuan. | ulat ni Kathleen Forbes