Muling nagbabala ang DSWD National Authority for Child Care (NACC) sa sinumang magtatangkang magbenta o bumili ng sanggol online.
Kasunod ito ng pagkakarescue ng isang pitong buwang sanggol sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police – Women
and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa San Jose, Rodriguez, Rizal noong Nov. 6.
Sa ulat ng PNP, nabisto ang online baby selling ng isang facebook account sa pangalang Cloie Mae Cruz, ang nagpadala ng mensahe sa “Legal Child Adoption Group Ph” at nag-alok ng sanggol sa halagang P35,000.
Naaresto naman ang 29-taong gulang na suspek sa tulong ng PNP-WCPC’s Luzon Field Unit, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Montalban, Rizal.
Kaugnay nito, muli namang kinondena ni NACC Usec. Janella Ejercito-Estrada ang online bentahan ng bata na aniya ay hindi katanggap tanggap at lubhang nakakaalarma.
“We will not stop. The NACC’s priority is to end illegal adoption whether online or physical. We will ensure that the children are safe and that justice is served,” Estrada. | ulat ni Merry Ann Bastasa