PNP, magdaragdag ng puwersa ngayong Holiday Season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang presensya nito sa mga matataong lugar ngayong holiday season.

Ito ay ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo, bukod kasi sa Pasko at Bagong Taon kung kailan tataas ang economic activity ng bansa, paghahanda na rin ito para sa pagsisimula ng panahon ng Halalan sa susunod na taon.

Kasabay nito, inanunsyo ni Fajardo na simula Disyembre 15, ipatutupad ng PNP ang ‘No Leave Policy’ para matiyak na may sapat na bilang ng mga pulis na magbabantay sa mga matataong lugar.

Bagaman inaasahang naka-heightened alert ang buong puwersa ng PNP sa nasabing panahon, nasa diskresyon pa rin ng mga Regional at Provincial Director kung may pangangailangang ilagay sa pinakamataas na alerto ang kanilang nasasakupan.

Una nang inihayag ng National Peace and Order Council, na nananatiling manageable ang sitwasyong pang seguridad sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us