PNP, nagdagdag ng puwersa ng pulisya para tiyakin ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 47,000 na pulis na ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa bilang bahagi ng seguridad ngayong holiday season.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, sinimulan ang deployment kaninang umaga kasabay ng unang araw ng Simbang Gabi o Misa de Gallo.

Magpapatuloy ang deployment hanggang January 6, 2025, na siyang pagtatapos ng programang Ligtas Paskuhan.

Nilinaw ni Fajardo, na walang na-monitor na ano mang banta sa seguridad ang PNP, at ang hakbang na ito ay bahagi ng masusing pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko.

Layon din nitong mapigilan ang mga kriminal na magsasamantala ngayong abala ang mga tao sa holiday activities.

Dagdag pa ni Fajardo, patuloy na nakikipagtulungan ang PNP sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang higit pang palakasin ang seguridad sa mga komunidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us