PNP, nanawagan sa publiko na tangkilikin lamang ang mga lehitimong tindahan ng paputok

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na sa mga lehitimong tindahan lamang bumili ng mga paputok bilang paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa isinagawang inspeksyon ng PNP at Lokal na Pamahalaan ng Bulacan sa mga tindahan ng paputok ngayong araw, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, na huwag bumili sa mga tindahang walang authorized permit na nakapaskil sa kanilang tindahan upang maiwasan ang ano mang disgrasya.

Ayon kay Gen. Marbil, malaking hamon sa PNP ang inaasahang paglaganap ng iligal na pagbebenta ng mga paputok lalo na sa online platforms.

Dahil dito, inatasan na ang PNP-Civil Security Group at PNP-Anti-Cybercrime Group na tuntunin ang mga online seller ng iligal na paputok upang mapigilan ang posibleng kapahamakan ng publiko.

Ipinaalala rin ni Gen. Marbil, na tiyaking may Philippine Standard (PS) Mark ang mga paputok na bibilhin. Ang markang ito ay nagpapakita na dumaan ang produkto sa tamang proseso at may kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan.

Sa inspeksyon, inihayag ng PNP Chief na wala silang nakitang tindahan na nagbebenta ng iligal na paputok at lahat ng nasuri ay sumusunod sa itinakdang safety standards. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us