Ininspeksyon ng QC law and order cluster ang Quezon Memorial Circle bilang paghahanda sa gaganaping New Year’s Eve Celebration mamaya.
Ito ay upang masiguro na magiging payapa at ligtas ang bawat QCitizen na makikisaya sa gaganaping selebrasyon.
Kasama sa nag-inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, QC Police District Acting Director PCol. Melecio Buslig, Jr., QC Disaster Risk Reduction and Management Department OIC Ma. Bianca Perez, Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas, Quezon Memorial Circle Administrator Windsor Bueno, at iba pang opisyal.
Magdedeploy naman ng medic teams ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office para sa emergencies habang nakaantabay ang mga enforcers ng Traffic and Transport Management Department upang alalayan ang mga motorista.
Una nang nagabiso ang LGU sa mga motorista sa posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Elliptical Road simula mamayang alas-4 ng hapon dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga manonood sa Quezon City Countdown.
Pinaalalahanan din ang lahat ng dadalo na magdala ng sariling tumbler o reusable water bottle dahil ang selebrasyon ay isang plastic-free event. | ulat ni Merry Ann Bastasa