Reserbang puwersa ng PNP, nakaantabay sa pagresponde sa mga lugar na apektado ng bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaantabay ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) mula sa mga karatig lalawigan ng Negros Island na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.

Ito’y ayon sa PNP ay sa sandaling kailanganin kung lumala pa ang sitwasyon sa bulkan na hanggang ngayon ay nasa Alert level 3.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, managable pa naman ang sitwasyon dahil mayroon namang Reactionary Standby Support Force (RSSF) sa Negros Island.

Sa kasalukuyan, nasa humigit kumulang 400 tauhan ng PNP ang nakakalat partikular na sa pinakaapektadong lugar gaya ng Bago City kung saan nagpatupad ng force evacuation.

Bukod sa paglilikas, nakabantay din ang PNP sa evacuation centers gayundin sa mga nilisang kabahayan para na rin tiyakin ang seguridad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us