Sen Pia Cayetano, dismayado sa budget cuts sa health at education sector sa ilalim ng 2025 National Budget Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn
Senator Pia Cayetano

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senadora Pia Cayetano sa pagbabawas ng pondo sa Department of Health (DOH), Department of Education (Deped), Commission on Higher Education (CHED), at University of the Philippines (UP) sa ilalim ng inaprubahan ng kongreso na 2025 National Budget Bill.

Sa isang pahayag, pinunto ni Cayetano na nasa 25.8 billion pesos ang nabawas sa DOH; 11.57 billion pesos sa Deped; 26.91 billion pesos sa CHED; at 641.38 million pesos sa UP.

Sinabi ni Cayetano na bilang Subcommittee Chairperson na humawak at nagsponsor sa senado ng budget ng mga ahensyang ito ay nababahala siya sa ginawang budget cut.

Ayon sa senadora, sinasalamin ng national budget ang prayoridad ng gobyerno kaya naman kung pagbabasehan ang budget cuts sa final version ng 2025 General Appropriations Bill, ay tila masasabing hindi prayoridad ang kalusugan at edukasyon.

Ito pa naman aniya ang dalawa sa pinakamahalagang isyu ng mga pamilyang Pilipino ngayon.

Giniit ng mambabatas na dapat ay laging top priority ang health at education para makabuo ng isang matatag at mas sustainable ng kinabukasan para sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Photo: Sen. Pia Cayetano Facebook

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us