Mariing tinutulan ni Senadora Pia Cayetano na tanggalin ang subsidiya ng gobyerno sa PhilHealth para sa taong 2025.
Ayon kay Cayetano, ang hakbang na ito ay direktang sumasalungat sa umiiral na mga batas sa sin tax, at banta sa pagpapatuloy ng benepisyo ng PhilHealth, para sa mga indirect contributors nito.
Kabilang na aniya sa mga nilalabag nito ang National Internal Revenue Code kung saan nakasaad na 80% ng revenue mula sa tax sa mga produktong tabako, at sugar-sweetened beverages ay dapat ilaan sa PhilHealth, para pondohan ang Universal Health Care Act.
Binigyang diin ni Cayetano na kailangan pa ring ilaan direkta sa Philhealth ang earmark revenues na itinatakda ng mga sin tax laws.
Giit ng senadora, bagamat mahalagang isyu rin ang pagkakaroon ng malaking excess fund ng Philhealth ay dapat hiwalay itong tugunan | ulat ni Nimfa Asuncion