Itinuturing na ‘manageable’ ng National Peace and Order Council (NPOC) ang kasalukuyang estado ng sitwasyon sa West Philippine Sea gayundin sa Internal Security ng bansa.
Ito ang inisyal na assessment ng National Security Council (NSC) at mga ground commander sa pinakahuling pagpupulong ng Konseho noong isang linggo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, bukod sa external threats ay tinututukan din ang internal situation ng bansa.
Kabilang na rito ang nalalapit na Holiday Season dahil sa Pasko at Bagong Taon gayundin sa pagsisimula ng Panahon ng Halalan sa Enero a-12 ng 2025.
Kasunod nito, ini-ulat din ni Fajardo na nagsumite na sila ng potensyal na mga lugar para gawing Election Areas of Concern subalit kailangan pa rin itong sumalang sa validation katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Unang iginiit ng AFP at PNP na walang pangangailangan para magtaas ng alerto kasunod ng kasalukuyang ingay Pulitka sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala