Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang sapat na suplay ng mga pangunahing pagkain sa mga pamilihan sa buong Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan.
Kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Local Officials, nagsagawa ng inspekyon si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr sa Pasay City Public Market.
Tiningnan nito ang suplay at presyo ng karne ng baboy,
baka ,manok, isda, at mga gulay at ang Rice-For-All (RFA) Kiosk sa nasabing palengke.
Ang programa ng Rice-For-All ay nag-aalok ng well-milled rice sa presyo na Php 40 kada kilo at mabibili na rin sa 10 palengke at 4 na MRT at LRT Station.
Simula bukas Disyembre 16, bubuksan na rin ng DA ang KADIWA ng Pangulo sa Pasay City Hall para makapagbigay ng mas abot-kayang food options.
Babala ni Tiu Laurel sa mga nagtitinda huwag magsamantala sa pagpepresyo at iwasan ang maging mapang-abuso.
Nanatili aniyang nakabantay ang DA sa mga market practices upang matiyak ang patas at pagsunod sa mga regulasyon.| ulat ni Rey Ferrer