Mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis, maaaring makakuha ng benepisyo mula sa PhilHealth

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na sakop ng kanilang benepisyo ang pagpapagamot sa mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis. Ayon sa PhilHealth, ang mga pasyenteng may dengue fever ay maaaring makakuha ng hanggang P13,000, habang ang mga may severe dengue hemorrhagic fever ay maaaring makatanggap ng hanggang P16,000. Samantala, ang mga may… Continue reading Mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis, maaaring makakuha ng benepisyo mula sa PhilHealth

Dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, napatawad na ang dating Pangulong Duterte sa dinanas na paghihirap matapos idawit sa iligal na droga

Humarap sa Quad Committee ng Kamara ang dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Patrick Mabilog. Nitong September 10 lang nang magbalik bansa si Mabilog matapos ang pitong taong pagtatago matapos makakuha ng asylum sa Amerika dahil sa takot sa buhay niya at para sa kaniyang pamilya. Naging emosyonal si Mabilog nang ilahad ang… Continue reading Dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, napatawad na ang dating Pangulong Duterte sa dinanas na paghihirap matapos idawit sa iligal na droga

Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC laban kay Alice Guo, posibleng ilabas na sa susunod na linggo

Inaasahang mailalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo ang desisyon kung matutuloy ang pagkakaso nila ng ‘misrepresentation’ laban kay dating Mayor Alice Guo. Sa panayam matapos ang pagdinig ng Senado sa panukalang 2025 budget ng poll body, sinabi ni COMELEC Chairperson George Garcia na hinihintay na lang nilang mapirmahan ang rekomendasyon… Continue reading Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC laban kay Alice Guo, posibleng ilabas na sa susunod na linggo

Comelec, makikipag ugnayan sa online platforms para sa monitoring ng fake news sa darating na campaign period

Makikipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga online platform para sa mabilis na pagpapatanggal ng fake news, misinformation at disinformation sa paparating sa campaign period para sa 2025 midterm elections. Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng Comelec sa Senado, inamin ni Comelec Chairperson George Garcia, na wala pa silang regulasyon sa paggamit ng… Continue reading Comelec, makikipag ugnayan sa online platforms para sa monitoring ng fake news sa darating na campaign period

Training programs at volleyball clinics para sa mga coach at atleta sa mga paaralan, isasagawa ng DepEd at Rebisco

Upang mahubog ang mga kabataan sa larangan ng palakasan o sports, nagsanib-pwersa ang Department of Education (DepEd) at Rebisco Food Group of Companies para mapalakas ang grassroots volleyball development sa mga paaralan. Tampok sa programang ito ang pagsagawa ng mga training program at volleyball clinic sa pangunguna ng mga miyembro ng Creamline Cool Smashers. Sa… Continue reading Training programs at volleyball clinics para sa mga coach at atleta sa mga paaralan, isasagawa ng DepEd at Rebisco

Pagtitiyak ng seguridad sa paligid ng Senado, itinalaga na sa Philippine Marines

Simula ngayong araw, mga sundalo na ang itinalagang magbantay sa paligid ng Senado. Ayon kay Senate Sargeant-at-arms retired General Roberto Ancan, nasa direktiba ni Senate President Chiz Escudero na hilinging ibalik ang marines sa pagse-secure ng senado. Kaya naman nakipag ugnayan siya sa Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines, at sa Philippine… Continue reading Pagtitiyak ng seguridad sa paligid ng Senado, itinalaga na sa Philippine Marines

Mga pamilyang apektado ng bagyong Ferdie at Gener sa Cagayan Valley, nahatiran ng tulong ng DSWD

Bilang tugon sa magkasunod na pananalasa ng bagyong Ferdie at Gener na pinalakas ng habagat, nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya sa Cagayan Valley na nagkakahalaga ng mahigit P265,000. Ayon sa DSWD, nakapaghatid na ang Field Office 2 – Cagayan Valley ng kabuuang 375 na kahon… Continue reading Mga pamilyang apektado ng bagyong Ferdie at Gener sa Cagayan Valley, nahatiran ng tulong ng DSWD

Partylist solon, nanawagan sa kanyang mga kapwa mambabatas na dagdagan ang budget ng DMW

Dismayado si OFW Partylist Rep. Marissa Del Mar Magsino sa malaking bawas sa pondo ng Department of Migrant Workers para sa taong 2025. Sa kanyang interpelasyon sa ginawang budget deliberation ng DMW, sinabi niyo na nakakalungkot ang P5.09-B na appropriations ng kagawaran sa kabila ng tumataas na bilang ng mga OFWs na deployed sa ibayong… Continue reading Partylist solon, nanawagan sa kanyang mga kapwa mambabatas na dagdagan ang budget ng DMW

PCSO, nakakuha ng puwesto bilang miyembro ng Asia Pacific Lottery Association

Photo courtesy of Philippine Charity Sweepstakes Office

Isang karangalan para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagkakahalal ni General Manager Mel Robles bilang miyembro ng Executive Committee ng Asia Pacific Lottery Association (APLA). Ayon sa PCSO, nahalal si Robles sa ginanap na 2024 APLA Regional Conference sa Hanoi, Vietnam. Siya ang kauna-unahang Pilipino na naging bahagi ng Executive Committee ng APLA.… Continue reading PCSO, nakakuha ng puwesto bilang miyembro ng Asia Pacific Lottery Association

Suporta sa tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran ng Cordillera, tiniyak ni Sec. Galvez

Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang tuloy-tuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa Cordillera Administrative Region”, tungo sa makatotohanang kapayapaan at kaunlaran. Ang pagtiyak ay ginawa ni Sec. Galvez sa komemorasyon ng ika-38 Anibersaryo ng Mt. Data Sipat (Peace Accord) sa Bauko, Mountain Province noong nakaraang Biyernes. Ang naturang kasunduan ay… Continue reading Suporta sa tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran ng Cordillera, tiniyak ni Sec. Galvez