Ilang kalsada isasara sa paligid ng PUP Manila para sa isasagawang College Entrance Examination ng unibersidad

Abiso sa mga motoristang magagawi sa paligid ng Polytechnic University of the Philippines Manila, ilang kalsada po ang isasara sa paligid ng unibersidad para sa isasagawang PUP College Entrance Test (PUPCET) sa January 28, araw ng Linggo. Sa advisory na inilabas ng PUP, pansamatalang isasara ang kahabaan ng Anonas St. mula Nuestra Señora De Salvacion… Continue reading Ilang kalsada isasara sa paligid ng PUP Manila para sa isasagawang College Entrance Examination ng unibersidad

“Una ka sa Serbisyo Caravan” ilulunsad ngayong araw sa Barangay Baesa ng QC

Aarangkada na ngayong araw ang “Una ka sa Serbisyo Caravan’sa Barangay Baesa, District 6 sa Quezon City. Ang caravan ay inisyatiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na layong ilapit sa publiko ang mga serbisyo, programa at proyekto ng lokal na pamahalaan. Gagawin ito sa pamamagitan ng mga District Action Offices, kung saan maaaring isangguni… Continue reading “Una ka sa Serbisyo Caravan” ilulunsad ngayong araw sa Barangay Baesa ng QC

TESDA, nagbukas ng Japanese at English courses sa National Language Skills Center

Patuloy na pinaiigting ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang language skills training program ng ahensya. Layon nitong makatulong na mapataas ang employability skills ng mga Pilipino. Kaugnay nito nagbukas ng English Proficiency para sa Customer Service Worker at Japanese Language at Culture Level II ang National Language Skills Center ng TESDA sa… Continue reading TESDA, nagbukas ng Japanese at English courses sa National Language Skills Center

₱1-B na halaga ng mga proyekto sa patubig, nakumpleto na sa harap ng banta ng El Niño — LWUA

Nakumpleto na noong 2023 ang ₱1.045-billion na halaga ng mga proyektong patubig na makatutulong sa harap ng nararanasang El Niño. Ayon kay Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Vicente Homer Revil, kabilang dito ang walong  water supply projects na magbebenepisyo sa karagdagang 95,000 na mga kabahayan. Katumbas ito ng 12% na pagtaas ng household coverage sa… Continue reading ₱1-B na halaga ng mga proyekto sa patubig, nakumpleto na sa harap ng banta ng El Niño — LWUA

SMNI, lalapit na kay Pres. Marcos Jr. kaugnay sa mga isyu na kinakaharap ng network

Dudulog na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Sonshine Media Network International (SMNI).  Ito ang inihayag ni Atty. Mark Tolentino, isa sa mga abogado ng SMNI.  Aniya, maghahain sila ng petition for review sa Tanggapan ng Pangulo kaugnay sa mga parusa na ipinataw sa network. Kabilang na rito ang ipinataw na indefinite suspension ng… Continue reading SMNI, lalapit na kay Pres. Marcos Jr. kaugnay sa mga isyu na kinakaharap ng network

Department Order na nag-aalis sa administrative tasks ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, inilabas na ng DepEd

Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang Department Order na nag-uutos ng agarang pag-alis ng mga administrative tasks ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Batay sa Department Order No. 002 s. 2024 na inilabas at nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, kabilang sa mga trabahong administratibo na hindi… Continue reading Department Order na nag-aalis sa administrative tasks ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, inilabas na ng DepEd

Lotto draws, pinapasuspinde muna ni Sen. Imee Marcos hangga’t hindi pa nalilinaw ang mga isyu sa mga nanalo

Pinasususpinde na muna ni Senadora Imee Marcos ang lahat ng lotto draw, kasama na ang e-lotto, hangga’t hindi pa nabibigyang linaw ang mga katanungan tungkol sa mga nananalo dito.  Una nang nakwestiyon ang dami ng mga nananalo sa lotto nitong mga nakaraang panahon at ang ilan pa ay magkakapareho ng mga apelyido.  Binigyang diin ni… Continue reading Lotto draws, pinapasuspinde muna ni Sen. Imee Marcos hangga’t hindi pa nalilinaw ang mga isyu sa mga nanalo

LEDAC at SONA priority measures, unahing dapat aksyunan ng Senado—Speaker Romualdez

Pinayuhan ni House Speaker Martin Romualdez ang Senado na kaysa birahin ang Kamara sa peoples’ initiative, ay unahin na lang tapusin ang mga nakabinbin na LEDAC at SONA priorities. Ayon kay Speaker Romualdez, tatlong buwang mas maaga na tapos ng Kamara ang mga LEDAC at SONA priority measures ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. Ibig… Continue reading LEDAC at SONA priority measures, unahing dapat aksyunan ng Senado—Speaker Romualdez

Senate President Zubiri, tumugon na sa liham ni House Speaker Romualdez kaugnay ng isyu ng cha-cha at people’s initiative 

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na natanggap na niya ang liham ni House Speaker Martin Romualdez tungkol sa people’s initiative at charter change.  Ayon kay Zubiri, tumugon na siya sa naturang liham at matatanggap ito ng Office of the House Speaker sa Lunes.  Ayon sa Senate President, wala pang diskusyon ang mga senador… Continue reading Senate President Zubiri, tumugon na sa liham ni House Speaker Romualdez kaugnay ng isyu ng cha-cha at people’s initiative 

Sen. Joel Villanueva, nanindigang hindi basta susunod ang Senado sa kagustuhan ng sinuman

Nanindigan si Senate Majority leader Joel Villanueva na hindi susunod ang mga senador sa kagustuhan ninuman para lang maisulong ang Charter Change o People’s Initiative.  Ayon kay Villanueva, wala pa sa kasaysayan na kahit sinong makapangyarihan ang kinayang dikatahan o i-hostage ang Senado para lang sumunod sa kanilang kagustuhan.  Pinahayag rin ng Majority leader na… Continue reading Sen. Joel Villanueva, nanindigang hindi basta susunod ang Senado sa kagustuhan ng sinuman