DSWD, tiniyak ang mahigpit na pagpapatupad ng AICS guidelines

Nanindigan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigpit nitong ipinatutupad ang guidelines sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Ipinunto ito ni DSWD Undersecretary for Legislative Liaison and Coordination Group Fatima Aliah Dimaporo sa ginanap na pagdinig sa Senado kaugnay ng umanoy ‘ayuda’ scam. “DSWD personnel practice strict adherence to… Continue reading DSWD, tiniyak ang mahigpit na pagpapatupad ng AICS guidelines

Pagpapatayo ng Bicol University College of Veterinary Medicine sa Ligao, Albay, nilagdaan n ani Pangulong Marcos

Ibinahagi ni Albay 3rd District Representative Cong. Fernando “Didi” Cabredo na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 11973 o ang pagpapatayo ng Bicol University College of Veterinary Medicine sa Ligao City, Albay. Matatandaan na nitong Setyembre 2021 ng simulan ni Congressman Cabredo ang nasabing bill sa kongreso sa pamamagitan ng… Continue reading Pagpapatayo ng Bicol University College of Veterinary Medicine sa Ligao, Albay, nilagdaan n ani Pangulong Marcos

Higit 32,000 may-ari ng ‘delinquent vehicles’, nagparehistro sa LTO-NCR ngayong Enero

Mula nang paigtingin ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya nito sa ‘No Registration, No Travel’ policy, tumaas ang bilang ng mga motoristang may ‘delinquent vehicles’ o mga hindi rehistrado ang nagtutungo sa mga tanggapan ng LTO para magparehistro. Sa tala ng LTO-NCR, mayroon nang higit 32,000 may-ari ng mga delikwenteng sasakyan at motorsiklo ang… Continue reading Higit 32,000 may-ari ng ‘delinquent vehicles’, nagparehistro sa LTO-NCR ngayong Enero

PITX, magbubukas ng mga bagong ruta ngayong taon

Magbubukas ng mga bagong ruta ngayong taon ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng kanilang proyekto na palawakin ang mga serbisyo nito para sa mga biyahero. Plano ng PITX na maglunsad ng mga rutang patungo sa: Tuguegarao City sa Cagayan; San Carlos City, at Dagupan City sa Pangasinan; San Pedro at Southwoods sa… Continue reading PITX, magbubukas ng mga bagong ruta ngayong taon

Anim na bayan sa Pangasinan, mahigpit na pinaghahandaan ng NIA sa epekto ng El Niño sa 1st quarter ng 2024

Mahigpit ng pinaghahandaan ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) ang posibleng epekto ng El Niño phenomenon sa anim na bayan sa lalawigan ng Pangasinan sa unang quarter ngayong taon. Kabilang dito ang mga bayan ng Sta. Barbara, Mangaldan, Malasiqui, Rosales, Sto. Tomas at bayan ng Calasiao. Sa isang panayam sinabi ni Engr. John Molano,… Continue reading Anim na bayan sa Pangasinan, mahigpit na pinaghahandaan ng NIA sa epekto ng El Niño sa 1st quarter ng 2024

Goat industry ng La Union, patuloy na pinapalakas ng DOLE

Nag-iikot ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t-ibang bahagi ng La Union upang mamahagi ng mga alagang kambing sa mga benepisiyaryo. Kamakailan lamang ay nagtungo ang team ng DOLE sa bayan ng Sudipen, La Union at sa pangunguna ni DOLE La Union Head Veronica Corsino ay ipinamahagi ang 56 na kambing sa mga… Continue reading Goat industry ng La Union, patuloy na pinapalakas ng DOLE

Panukalang Self Reliant Defense Posture Program, pasado na sa Kamara; mas matatag na depensa ng bansa, inaasahang matutugunan

Sa botong 194 na pabor ay lusot na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9713 o ang Philippine Self-Reliant Defense Posture Program. Ito na ang ika-54 mula sa kabuuang 57 LEDAC priority measures na pinagtibay ng Kamara. Sa ilalim nito, inaasahang mapapalakas pa ang national defense industry ng bansa sa pamamagitan ng military… Continue reading Panukalang Self Reliant Defense Posture Program, pasado na sa Kamara; mas matatag na depensa ng bansa, inaasahang matutugunan

Higit ₱53-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng shear line

Aabot na sa higit ₱53-million ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang LGUs sa mga lalawigang naapektuhan ng masamang panahon dulot ng shear line. Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 480 na apektadong barangays sa Region 10, 11, at CARAGA. Samantala, as of… Continue reading Higit ₱53-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng shear line

LTFRB, pinaalalahanan ang mga TNC na sumunod sa mga kondisyon ng kanilang accreditation

Pinaalalahanan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III ang mga Transportation Network Companies (TNC) sa bansa na sumunod sa nakasaad na terms at conditions sa kanilang accreditation. Ito’y kasunod ng ipinataw na suspensyon sa RL Soft Corporation, na nag-o-operate bilang inDrive dahil sa paglabag sa fare regulation ng ahensya. Sa… Continue reading LTFRB, pinaalalahanan ang mga TNC na sumunod sa mga kondisyon ng kanilang accreditation

Mga senador, nagkaisa para tutulan ang People’s Initiative

Tinutulan ng mga senador ang gumugulong na People’s Initiative para amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng constituent assemby kung saan bobotong magkasama ang Senado at Kamara. Nagkakaisang pinirmahan ng lahat ng mga senador ang isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa P-I. Ang manifestong ito ang naging bunga ng caucus ng… Continue reading Mga senador, nagkaisa para tutulan ang People’s Initiative