Pagpapadala ng mga seasonal worker sa South Korea, ipinahinto muna ng Department of Migrant Workers

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na magpapatupad ito ng moratorium o pansamantalang pagpapahinto sa pagpapadala ng mga seasonal worker sa South Korea. Batay sa inilabas na Advisory No. 1 Series of 2024 ng DMW, ang naturang hakbang ay alinsunod sa resulta ng ginawang high-level consultation sa Embassy of the Republic of Korea, Bureau… Continue reading Pagpapadala ng mga seasonal worker sa South Korea, ipinahinto muna ng Department of Migrant Workers

Ways and Means Chair ng Kamara, umaasang agad tutugunan ng bagong Finance Secretary ang 3 mahahalagang tax policy reform sa bansa

Umaasa si House Committee on Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Salceda na magiging prayoridad ni bagong Finance Secretary Ralph Recto ang mahahalagang tax policy objectives ng bansa. Una aniya dito ang buwis sa digital services. Bagamat ang Pilipinas aniya ang isa sa mga unang nagpanukala ng VAT sa digital services ay tayo… Continue reading Ways and Means Chair ng Kamara, umaasang agad tutugunan ng bagong Finance Secretary ang 3 mahahalagang tax policy reform sa bansa

Modern jeepney fare, ‘di basta itataas nang hindi dumadaan sa proseso; Pinangangambahang P50 fare, makalipas ang 5 taon, walang basehan

FARE DISCOUNT. Traditional and modern jeepneys ply the Elliptical Road in Diliman, Quezon City on Thursday (March 16, 2023). The proposed fare discount for public utility vehicles (PUVs) has been approved and is set to take effect in Metro Manila next month. (PNA photo by Ben Briones)

Binigyang diin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi lamang ang kanilang tanggapan ang nagdi-desisyon sa pagtatalaga ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon. Pahayag ito ni LTFRB Director Zona Tamayo, sa gitna ng pangamba na papalo sa P50 ang minimum fare ng modern jeepney, limang taon mula ngayon. Sa press briefing sa… Continue reading Modern jeepney fare, ‘di basta itataas nang hindi dumadaan sa proseso; Pinangangambahang P50 fare, makalipas ang 5 taon, walang basehan

Hakbang ng Senado para amyendahan ang Saligang Batas, suportado ni Speaker Romualdez

Bilang pinuno ng Kamara, inihayag ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang buong suporta sa inisyatiba ng Senado na ihain ang Resolution of Both House No. 6 Ang RBH 6 ay inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw para magpatawag ng Constituent Assembly bilang pamamaraan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution, partikular ang restrictive… Continue reading Hakbang ng Senado para amyendahan ang Saligang Batas, suportado ni Speaker Romualdez

Speaker Romualdez, ibibida ang Pilipinas sa taunang pulong ng World Economic Forum

Nasa Switzerland ngayon si Speaker Martin Romualdez upang pangunahan ang delegasyon ng Pilipinas sa pagdalo sa World Economic Forum Annual Meeting 2024. Dito, nakatakdang ibida ni Romualdez ang Pilipinas bilang premier investment destination kasama na ang bagong tatag na Maharlika Investment Fund. “We are committed to leveraging this international platform to escalate the effort of… Continue reading Speaker Romualdez, ibibida ang Pilipinas sa taunang pulong ng World Economic Forum

Bilang ng specialty hospital sa buong bansa, nasa 131 na ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Malugod na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na umakyat na sa 131 ang bilang ng specialty hospital sa buong bansa, as of December 2023. “Nung August 24, 2023 pinirmahan ko ang RA 11959 known as the Regional Specialty Centers Act. Ito yung ating mga specialty centers, specialty hospitals sa iba’t ibang lugar. As… Continue reading Bilang ng specialty hospital sa buong bansa, nasa 131 na ayon kay Pangulong Marcos Jr.

P1.2-B target na kita ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2023 naabot, ayon sa MMDA

Photo courtesy of MMFF FB page

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umabot sa P1.2 bilyon ang kinita ng 10 pelikula na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ay sa pagtatapos ng pinalawig na theatrical run ng MMFF movies hanggang nitong January 14. Nahigitan nito ang record ng 2018 MMFF na kumita ng P1.061 bilyon kung… Continue reading P1.2-B target na kita ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2023 naabot, ayon sa MMDA

Speaker Romualdez, pinaiimbestigahan kung tamang naipatutupad ang pagbibigay ng diskwento sa mga PWD

Nanawagan ngayon si Speaker Martin Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council on Disability Affairs (NCDA) na bantayan kung nakakatalima ba ang mga establisyimento sa pagbibigay ng VAT exemption sa persons with disability. Bilang pangunahing may-akda ng Republic Act (RA) 10754 o Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons… Continue reading Speaker Romualdez, pinaiimbestigahan kung tamang naipatutupad ang pagbibigay ng diskwento sa mga PWD

LTO, target palakihin ang kita ng ahensya

Target ng Land Transportation Office (LTO) na makapagparehistro ng sasakyan na hindi bababa sa limang milyon kada buwan. Hinimok ni LTO Chief Vigor Mendoza ang mga kawani ng ahensya na simulan ang isang makasaysayang pagsisikap para sa organisasyon. Nais ni Mendoza na palakihin ang kita ng LTO nang hindi lamang umaasa sa mga apprehension. Hinihimok… Continue reading LTO, target palakihin ang kita ng ahensya

MMDA, handa sa ikinakasang kilos-protesta ng grupong MANIBELA bukas

Handa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nakakasang “kilos-protesta” ng mga transport group na MANIBELA at PISTON bukas, Enero 16. Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, bagaman wala naman silang inaasahang malaking epekto sa kilos protesta may mga naka-standby pa rin silang mga sasakyan para magbigay ng libreng sakay. Gayunman, dahil walang… Continue reading MMDA, handa sa ikinakasang kilos-protesta ng grupong MANIBELA bukas