Sekyu na nagpaputok ng baril sa Bagong Taon, arestado sa QC

Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang sekyu matapos maaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Brgy. Baesa, sa Quezon City. Kinilala ang suspek na si Boy Bagua, 44 na taong gulang, at residente ng naturang barangay. Naaresto ito ng Talipapa Police Station (PS 3), matapos makatanggap ng… Continue reading Sekyu na nagpaputok ng baril sa Bagong Taon, arestado sa QC

AFP, handang tumulong sa pagtugon ng Japan Self-Defense Forces sa nangyaring malakas na lindol

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kahandaan na tumulong sa Japan Self-Defense Forces (JSDF) sa Humantarian and Disaster Response (HADR) operations kung kakailanganin. Ang pahayag ay ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., kasunod ng pagtama ng Magnitude 7.6 na lindol sa naturang bansa kahapon. Ayon kay Gen.… Continue reading AFP, handang tumulong sa pagtugon ng Japan Self-Defense Forces sa nangyaring malakas na lindol

Mga nasunugan sa Malabon noong bisperas at unang araw ng 2024, inayudahan ng LGU

Agad na nagpadala ng tulong ang Malabon local government sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval sa mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Panghulo nitong bisperas ng Bagong Taon at sa Brgy. Potrero noong unang araw ng 2024. Inatasan na ng alkalde ang City Social Welfare and Development Department (CSWDD) at Disaster Risk Reduction and Management Office… Continue reading Mga nasunugan sa Malabon noong bisperas at unang araw ng 2024, inayudahan ng LGU

DFA, naka-monitor sa sitwasyon ng OFWs sa Japan hinggil sa pagtama ng 7.5 magnitude na lindol

Patuloy na naka-monitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa pagtama ng 7.5 magnitude na lindol sa bansang Japan. Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, naka-monitor sila sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa Wajima, Ishikawa Prefecture kung saan isa ang mga lugar sa pinakanaapaektuhan sa… Continue reading DFA, naka-monitor sa sitwasyon ng OFWs sa Japan hinggil sa pagtama ng 7.5 magnitude na lindol

DSWD, nakapaglaan ng higit ₱10-M sa mga katutubong natulungan ng Oplan Pag-abot

Umabot sa higit ₱10 milyong piso ang halaga ng naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga katutubong natulungan ng Oplan Pag-Abot nitong Disyembre ng 2023. Ayon sa DSWD, kabilang sa naipaabot nitong tulong ang food packs at financial assistance partikular sa mga katutubong naiuwi ng Oplan Pag-Abot Team sa Mabalacat,… Continue reading DSWD, nakapaglaan ng higit ₱10-M sa mga katutubong natulungan ng Oplan Pag-abot

Mga pampasaherong jeep sa Philcoa, punuan na muli ngayong unang araw ng balik trabaho

Ramdam na muli ng mga commuter ang morning rush hour ngayong balik trabaho na ang karamihan matapos ang holiday break. Sa bahagi ng Philcoa, may ilang jeep ang mabilis na napupuno dahil sa mga pasaherong nagmamadali na naman pumasok sa trabaho. May mga pampasaherong jeep din na gaya ng biyaheng Quiapo ang hindi pa marami… Continue reading Mga pampasaherong jeep sa Philcoa, punuan na muli ngayong unang araw ng balik trabaho

14 pamilya ng mga kababaihang itinuturing na women in especially difficult circumstances o WEDC sa Lopez, Quezon, binigyan ng solar home system ng LGU

Tumanggap ng solar home system mula sa lokal na pamahalaan ang labing apat na kababaihang itinutring na women in especially difficult circumstances o WEDC sa Lopez, Quezon. Ayon sa opisyal na pabatid ng LGU, maliban sa pailaw, ang solar home system ay magagamit din ng mga benepisyaryo sa pang pangangailang pang-kuryente sa kanilang tahanan  at… Continue reading 14 pamilya ng mga kababaihang itinuturing na women in especially difficult circumstances o WEDC sa Lopez, Quezon, binigyan ng solar home system ng LGU

Lisensya ng SUV driver na bumangga sa isang bangko sa QC, sinuspinde ng LTO

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw na suspensyon ang lisensya ng SUV driver na bumangga at dumiretso sa loob ng isang bangko sa Quezon City noong December 28 at ikinasawi ng isang indibidwal at ikinasugat ng anim na iba pa. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, naisyuhan na rin… Continue reading Lisensya ng SUV driver na bumangga sa isang bangko sa QC, sinuspinde ng LTO

Mga nag-uuwian matapos ang holiday break, patuloy ang dating sa Cubao terminal

Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga pasahero sa terminal ng Victory Liner sa Cubao na nagsisiuwian na matapos ang holiday break. Kasama na rito ang mga pasaherong nagsibakasyon sa Metro Manila at ngayon ay pabalik na sa probinsya. Kapansin-pansin namang halos 15 minuto lang ang pagitan ng mga bus na dumadating sa terminal bitbit… Continue reading Mga nag-uuwian matapos ang holiday break, patuloy ang dating sa Cubao terminal

Pagkakaroon ng energy transition plan, binigyang-diin ni Sen. Gatchalian sa gitna ng panawagan para sa coal phaseout

Ipinuntong muli ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangan na magkaroon ng energy transition plan ang Pilipinas sa gitna ng tumataas na panawagan para sa coal phaseout. Ayon kay Gatchalian, kailangan ng bansa ng isang energy transition measure para ma-optimize ang ipapalit sa coal. Kaugnay nito, una nang inihain ng senador ang Senate Bill 157 o… Continue reading Pagkakaroon ng energy transition plan, binigyang-diin ni Sen. Gatchalian sa gitna ng panawagan para sa coal phaseout