Ilan sa mga biktima ni KOJC leader Apollo Quiboloy, nasa ilalim na ng WPP

Kinumpirma ni House Appropriations Vice-Chair Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) Sa interpelasyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa panukalang budget ng Department of Justice, natanong nito kung mayroon na bang mga biktima ang nag-apply sa… Continue reading Ilan sa mga biktima ni KOJC leader Apollo Quiboloy, nasa ilalim na ng WPP

9 na priority bills, naaprubahan na ng Senado

Ibinida ni Senate President Chiz Escudero na naaksyunan na ng Senado ang 12 priority bills ng administrasyon. Nagawa ito ng Mataas na Kapulungan sa loob lamang ng 30 session days mula nang mahalal na si Escudero bilang pinuno ng Senado noong May 20, 2024.  Siyam sa panukalang batas na naaksyunan na ng senado ang nakapila… Continue reading 9 na priority bills, naaprubahan na ng Senado

Dating Pang. Duterte, posible ring maharap sa kasong obstruction of justice

Hindi malayo na maharap din sa kasong obstruction of justice ang dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga naging pahayag nito sa kasagsagan ng paghahanap ng mga awtoridad kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang tinuran ni House Committee in Appropriations vice-chair Jil Bongalon, budget sponsor ng budhet ng DOJ.… Continue reading Dating Pang. Duterte, posible ring maharap sa kasong obstruction of justice

Sen. Estrada, sinusulong na madagdagan ang pondo ng PCG

Binigyang diin ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada na kinakailangang taasan ang alokasyong pondo para sa Philippine Coast Guard (PCG). Ito ay para matiyak na maibibigay ang lahat ng kailangan ng mga naka-deploy nilang barko at na masasailalim ito sa regular maintenance para masiguro ang seaworthiness… Continue reading Sen. Estrada, sinusulong na madagdagan ang pondo ng PCG

Mabilis na pag-apruba sa ₱6.352 trillion 2025 budget, binigyang halaga ng House Appropriations panel chair

Binigyang halaga ngayon ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co ang on-time na pag-apruba sa ₱6.352 trillion General Appropriations Bill para tugunan ang mga mga pangangailangan ng bawat Pilipino at pagpapaunlad sa ekonomiya. Sa kaniyang sponsorship speech sa House Bill 10800, sinabi ni Co na pinopondohan ng pambansang pondo ang pampublikong mga programa at… Continue reading Mabilis na pag-apruba sa ₱6.352 trillion 2025 budget, binigyang halaga ng House Appropriations panel chair

USAID, iprinisenta sa DOF ang kanilang proposed country strategy para sa Pilipinas

Iprinisenta ng United States Agency for International Development (USAID) sa Department of Finance (DOF) ang kanilang panukalang country strategy for the Philippines 2024-2029. Sa pulong ni Finance Secretary Ralph Recto sa mga senior official ng USAID kamakailan napag-usapan ang mga hakbangin upang mapalakas ng cooperation ng Pilipinas sa international organization. Ang country strategy ng USAID… Continue reading USAID, iprinisenta sa DOF ang kanilang proposed country strategy para sa Pilipinas

Higit 600,000 senior citizen, nasa waitlist para sa monthly social pension ng DSWD

Aabot sa 600,000 na mga senior citizen ang nasa waitlist o hindi garantisadong mabigyan ng ₱1,000 buwanang social pension mula sa DSWD. Sa budget hearing ng Senado para sa 2025 budget ng DSWD, sinabi ni secretary Rex Gatchalian na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga senior citizen na waitlisted o hindi pa naaprubahan para… Continue reading Higit 600,000 senior citizen, nasa waitlist para sa monthly social pension ng DSWD

Pangulong Marcos, naging emosyonal nang talakayin ang OSAEC cases sa bansa

Naging emosyonal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang talakayin ang mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC), sa ginanap na summit kontra OSAEC sa Makati City (September 16). Sa kaniyang talumpati sinabi ng Pangulo na habang pinakikinggan ang karanasan ang biktimang ng panga-abuso, hindi aniya niya napigilang maluha at mapa-isip… Continue reading Pangulong Marcos, naging emosyonal nang talakayin ang OSAEC cases sa bansa

Pamahalaang Lungsod ng San Juan, magsasagawa ng town hall meeting kaugnay sa mpox

Upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng publiko tungkol sa monkeypox o mpox, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ng town hall meeting bukas, alas-10 ng umaga sa San Juan City Hall Atrium. Ang town hall meeting ay pangungunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora at mga kinatawan ng Department of Health (DOH).… Continue reading Pamahalaang Lungsod ng San Juan, magsasagawa ng town hall meeting kaugnay sa mpox

LTO Chief, tinutugunan na ang kontraktwalisasyon sa LTO

May kabuuang 56 na plantilla positions ang napunan na ng Land Transportation Office (LTO) sa mga tanggapan nito sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ito’y matapos manumpa ang mga bagong-promote at bagong-hire na empleyado sa rehiyon ng CALABARZON. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, bahagi ito ng kanyang pangako na tutugunan ang kontraktwalisasyon sa… Continue reading LTO Chief, tinutugunan na ang kontraktwalisasyon sa LTO