NEA, naglabas ng guidelines para sa mga EC officials at employees na kakandidato sa 2025 elections

Naglabas na ng guidelines ang National Electrification Administration (NEA) para sa mga opisyal at empleyado nito na nagpaplanong kumandidato sa darating na 2025 national at local elections. Sa inilabas na memorandum, pinaalalahanan ni NEA administrator Antonio Mariano Almeda ang mga potential candidate sa mga tuntunin na itinakda ng COMELEC alinsunod sa probisyong nakasaad sa Republic… Continue reading NEA, naglabas ng guidelines para sa mga EC officials at employees na kakandidato sa 2025 elections

PSA at GoTyme Bank, nagsanib-pwersa para sa Colocation Services sa National ID mobile registration activities

Magtutulungan ang Philippine Statistics Authority at GoTyme Bank Corporation para sa colocation strategy sa mobile registration activities ng National ID system. Layon nitong higit pang isulong ang financial inclusion sa mga unbanked Filipinos na nakarehistro sa National ID system upang magbukas ng bank accounts ng libre sa GoTyme Bank. Kasama sa registration activities ang PhilSys on… Continue reading PSA at GoTyme Bank, nagsanib-pwersa para sa Colocation Services sa National ID mobile registration activities

Ilang mga residente sa Samar, nakaranas ng shellfish poisoning dulot ng red tide

Hindi bababa sa 31 residente ng Parasan sa Daram, Samar ang nagkasakit matapos kumain ng red tide-infected shellfish ayon sa Department of Health (DOH). Kabilang ang 8 bata sa mga residenteng nakaranas ng mga sintomas gaya ng pananakit ng ulo, pamamanhid ng katawan, pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan dulot ng kinain nilang tahong na… Continue reading Ilang mga residente sa Samar, nakaranas ng shellfish poisoning dulot ng red tide

Bagong PCG Spokesperson, itinalaga

Itinalaga ng Philippine Coast Guard (PCG) si Commodore Algier Ricafrente bilang bagong tagapagsalita nito, epektibo Setyembre 27. Ito ay kasunod ng nalalapit na pagreretiro ni Rear Admiral Armando Balilo na magtatapos sa kaniyang serbisyo sa Setyembre 30 makalipas ang 30 taon nito sa tungkulin. Bukod sa bagong papel bilang tagapagsalita, magsisilbi rin si Commodore Ricafrente… Continue reading Bagong PCG Spokesperson, itinalaga

Pag-ulan sa Metro Manila, inaasahan ngayong araw –PAGASA

Asahan ang mga pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila at iba pang lugar dulot ng thunderstorm. Batay ito sa weather forecast na inilabas ng PAGASA ngayong umaga. Bukod sa Metro Manila, makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. Pinag-iingat… Continue reading Pag-ulan sa Metro Manila, inaasahan ngayong araw –PAGASA

Pilipinas, patuloy ang pananatili ng presensya sa Ayungin Shoal —AFP, PCG

Matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang suporta mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre, kapwa tiniyak nito na nananatili ang presensya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Sa resupply mission nito lamang linggo, dinalhan ng mahahalagang suplay ang mga personnel na… Continue reading Pilipinas, patuloy ang pananatili ng presensya sa Ayungin Shoal —AFP, PCG

Dating PCSO General Manager Royina Garma, kwinestyon ang kanya umanong aria-arian sa Cebu at ginawang donasyon sa isang party-list group gamit ang pera ng PCSO

Kwinestyon ni Sta. Rosa Representative Dan Fernandez si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa kanyang magarang aria-arian at ang kanyang kakayahang mag-donate ng malaking halaga sa isang party-list group. Sa isinagawang pang-pitong joint hearing ng Quad Committee, inusisa ni Fernandez ang dating Police at PCSO official kung pagmamay-ari ba nito… Continue reading Dating PCSO General Manager Royina Garma, kwinestyon ang kanya umanong aria-arian sa Cebu at ginawang donasyon sa isang party-list group gamit ang pera ng PCSO

Matrix na magpapakita ng koneksyon nina Michael Yang at Allan Lim sa malawakang crime syndicate, inilabas ng QuadComm

Iprinesenta ng House Quad Committee ang pagkaka-ugnay ni dating Presidential Adviser Michael Yang at associate nito na si Allan Lim sa malalim at malawak na crime syndicate mula sa drug trafficking, money laundering, at iligal na POGO. Sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ang nagpresenta sa naturang… Continue reading Matrix na magpapakita ng koneksyon nina Michael Yang at Allan Lim sa malawakang crime syndicate, inilabas ng QuadComm

Panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers, paraan ng pagkilala sa serbisyo ng mga BHW — Sen. Bong Go

Iginiit ni Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go na panahon nang suklian ang serbisyo ng mga barangay health workers sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng nararapat na benepisyo at kompensasyon. Sinabi ito ng senador kasabay ng pagpresenta sa plenaryo ng panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHW) o ang Senate… Continue reading Panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers, paraan ng pagkilala sa serbisyo ng mga BHW — Sen. Bong Go

Batas laban sa agricultural economic saboteurs, ikinagalak ni Sen. Cynthia Villar

Pinuri ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Senador Cynthia Villar ang paglagda sa batas na magpapataw ng matinding parusa laban sa mga smuggler, profiteers, hoarders, at kartel ng mga produktong pang-agrikultura at pangisdaan. Kahapon, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Iginiit ni Villar na… Continue reading Batas laban sa agricultural economic saboteurs, ikinagalak ni Sen. Cynthia Villar