Dagdag kita para sa mga tsuper, alok sa ‘Tuloy Biyahe’ program

Sa pakikipagtulungan sa QC LGU, umarangkada ngayong umaga sa Quezon City Hall ang “Tuloy Biyahe Program: Tsuper Onboarding Roadshow” ng on-demand delivery platform na Lalamove. Ayon kay Lalamove Managing Dir. Djon Nacario, layon nitong bigyan ng pagkakataon ang mga drayber na maging sarili nilang boss, at magkaroon ng dagdag kita bilang accredited partner drivers. “Our… Continue reading Dagdag kita para sa mga tsuper, alok sa ‘Tuloy Biyahe’ program

Paglagda ni PBBM sa ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Act’, inaabangan ng DA chief

Nakaabang na ang Department of Agriculture sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Sa pagdalo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. sa 2024 Sustainable Agriculture Forum, sinabi nitong masaya siya na sa wakas ay malalagdaan na ang batas na tutugon sa malawakang problema ng ‘agricultural smuggling’ sa bansa.… Continue reading Paglagda ni PBBM sa ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Act’, inaabangan ng DA chief

Senatorial lineup ng administrasyon sa 2025, pormal nang inanunsyo sa ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention 2024’

Opisyal nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang senatorial lineup ng administrasyon para sa 2025 elections. Mula sa limang partido ang kabilang sa ‘magic 12’ slate ng administrasyon na sasabak sa senatorial race sa susunod na taon. Tatlo mula sa Partido Federal at ito ay sina dating senador Manny Pacquiao, DILG Secretary Benhur… Continue reading Senatorial lineup ng administrasyon sa 2025, pormal nang inanunsyo sa ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention 2024’

House Concurrent Resolution para isama ang 10 EMBO barangays sa Taguig para makaboto, pinagtibay ng Kamara

Inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Concurrent Resolution No. 37 o resolusyon na nagsasaad na maisama sa dalawang distrito ng Taguig at munisipalidad ng Pateros ang 10 EMBO barangays. Ito ay upang hindi ma-disenfranchise ang mga botante sa nalalapit na 2025 Mid-Term Elections. Sa manipestasyon naman ni Makati Representative Luis Campos Jr., ipinunto niya… Continue reading House Concurrent Resolution para isama ang 10 EMBO barangays sa Taguig para makaboto, pinagtibay ng Kamara

Pilipinas, napanatili ang ‘economic growth outlook’; patuloy na pagbagal ng inflation, inaasahan — ADB

Binago ng Asian Development Bank ang kanilang inflation forecast sa Pilipinas sa 3.6 percent mula sa unang pagtaya na 3.8 percent. Ang mas mababang forecast ay indikasyon ng patuloy na pagbaba ng presyo ng pagkain bunsod ng mas mababang taripa sa imported na bigas. Sa kanilang inilabas na Asian Development Outlook September 2024 report, napanatili… Continue reading Pilipinas, napanatili ang ‘economic growth outlook’; patuloy na pagbagal ng inflation, inaasahan — ADB

Mga kawani ng Quezon City Hall, lumahok sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Muling nakiisa sa pag-duck, cover, and hold ang mga kawani at bisita ng Quezon City Hall sa ikinasang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kaninang umaga. Pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang ginawang drill sa City Hall grounds. Pagpatak ng alas-9 ng umaga, pinatunog ang malakas na alarma para sa… Continue reading Mga kawani ng Quezon City Hall, lumahok sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Red Cross, naka-full alert para sa La Niña, mga paparating na bagyo

Naka-Full Alert na ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) bilang paghahanda sa pagpasok ng La Niña phenomenon gayundin ng mas marami at malakas na mga bagyo sa bansa. Ayon sa PRC, kaugnay nito ay nakahanda na 24/7 ang kanilang monitoring at naka-stand by ang kanilang two-million Red Cross 143 volunteers sa buong bansa. Dagdag pa… Continue reading Red Cross, naka-full alert para sa La Niña, mga paparating na bagyo

Mga hakbang upang maibsan ang epektong dulot ng malakas na lindol, inilatag ng OCD

Ganap na alas-9 ng umaga, sa hudyat ng pagtunog ng sirena, sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang mga lumahok sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong ito. Pinangunahan nila Office of Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, at Social Welfare and Development Undersecretary Diane Rose Cajipe… Continue reading Mga hakbang upang maibsan ang epektong dulot ng malakas na lindol, inilatag ng OCD

MOA para sa kapakanan at kalusugan ng nagbabalik na OFW sa Davao Region, nilagdaan ng DMW-XI at SPMC

Ang mga Returning Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Region XI na naninirahan sa Pilipinas ng hindi hihigit sa tatlong taon ay makikinabang mula sa mga pinahusay na serbisyong pangkalusugan. Ito ay sa ilalim ng bagong Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Department of Migrant Workers XI at Southern Philippines Medical Center (SPMC) noong ika-Setyembre… Continue reading MOA para sa kapakanan at kalusugan ng nagbabalik na OFW sa Davao Region, nilagdaan ng DMW-XI at SPMC

AFP, pabor sa pananatili ng mga Typhoon Medium-Range Capability missile system ng Amerika sa Pilipinas

Kung si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang tatanungin, nais niyang manatili habangbuhay ang Typhoon Medium-Range Capability (MRC) missile system ng Amerika sa Pilipinas. Sa katunayan, sinabi ni Brawner na nakipag-ugnayan na siya sa kanilang US counterparts hinggil dito subalit wala pa silang tugon. Gayunman, sinabi ng… Continue reading AFP, pabor sa pananatili ng mga Typhoon Medium-Range Capability missile system ng Amerika sa Pilipinas