Red Cross, naka-full alert para sa La Niña, mga paparating na bagyo

Naka-Full Alert na ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) bilang paghahanda sa pagpasok ng La Niña phenomenon gayundin ng mas marami at malakas na mga bagyo sa bansa. Ayon sa PRC, kaugnay nito ay nakahanda na 24/7 ang kanilang monitoring at naka-stand by ang kanilang two-million Red Cross 143 volunteers sa buong bansa. Dagdag pa… Continue reading Red Cross, naka-full alert para sa La Niña, mga paparating na bagyo

Mga hakbang upang maibsan ang epektong dulot ng malakas na lindol, inilatag ng OCD

Ganap na alas-9 ng umaga, sa hudyat ng pagtunog ng sirena, sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang mga lumahok sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong ito. Pinangunahan nila Office of Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, at Social Welfare and Development Undersecretary Diane Rose Cajipe… Continue reading Mga hakbang upang maibsan ang epektong dulot ng malakas na lindol, inilatag ng OCD

MOA para sa kapakanan at kalusugan ng nagbabalik na OFW sa Davao Region, nilagdaan ng DMW-XI at SPMC

Ang mga Returning Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Region XI na naninirahan sa Pilipinas ng hindi hihigit sa tatlong taon ay makikinabang mula sa mga pinahusay na serbisyong pangkalusugan. Ito ay sa ilalim ng bagong Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Department of Migrant Workers XI at Southern Philippines Medical Center (SPMC) noong ika-Setyembre… Continue reading MOA para sa kapakanan at kalusugan ng nagbabalik na OFW sa Davao Region, nilagdaan ng DMW-XI at SPMC

AFP, pabor sa pananatili ng mga Typhoon Medium-Range Capability missile system ng Amerika sa Pilipinas

Kung si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang tatanungin, nais niyang manatili habangbuhay ang Typhoon Medium-Range Capability (MRC) missile system ng Amerika sa Pilipinas. Sa katunayan, sinabi ni Brawner na nakipag-ugnayan na siya sa kanilang US counterparts hinggil dito subalit wala pa silang tugon. Gayunman, sinabi ng… Continue reading AFP, pabor sa pananatili ng mga Typhoon Medium-Range Capability missile system ng Amerika sa Pilipinas

Mga benepisyaryo ng 4Ps, pinaalalahanan ng DSWD sa mga kondisyon para patuloy na makatanggap ng cash grants

Muling pinaalalahanan ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo nito ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na dapat tumalima sa mga kondisyon para patuloy na matanggap ang kanilang cash grants. Ayon kay 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce, ang anumang paglabag sa mga kondisyon ay maaaring basehan… Continue reading Mga benepisyaryo ng 4Ps, pinaalalahanan ng DSWD sa mga kondisyon para patuloy na makatanggap ng cash grants

2 volcanic tremors, naitala rin sa Bulkang Taal

Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Taal kasunod ng muling naitala na phreatic eruption sa bulkan. Sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bukod sa minor eruption, nagkaroon din ng dalawang volcanic tremor na tumagal ng tatlo hanggang siyam na minuto. Umabot din sa 3,176 na… Continue reading 2 volcanic tremors, naitala rin sa Bulkang Taal

Kinatawan ng Akbayan Party-list, nanumpa na bilang bagong miyembro ng Kamara

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang panunumpa ni Percival Cendaña, kinatawan ng Akbayan Citizens Action Party, bilang bagong miyembro ng Kamara. Kasunod ito ng proklamasyon ng COMELEC sa Akbayan bilang nanalong party-list noong 2022 elections na nagbigay daan sa isang pwesto sa Kapulungan. Matatandaan na kamakailan ay pinagtibay ng Korte Suprema ang cancellation of registration… Continue reading Kinatawan ng Akbayan Party-list, nanumpa na bilang bagong miyembro ng Kamara

SP Chiz Escudero, sinigurong maipapasa ‘on time’ ang 2025 proposed budget

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na ‘on time’ nilang maipapasa sa Senado ang panukalang 2025 National Budget. Ito ay matapos maaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang ₱6.352 trillion 2025 General Appropriations Bill (GAB). Ayon kay Escudero, oras na matanggap nila mula sa Kamara ang 2025 GAB ay saka pa lang nila matutukoy ang magiging… Continue reading SP Chiz Escudero, sinigurong maipapasa ‘on time’ ang 2025 proposed budget

Kamara, tiniyak na bawat ahensya ng pamahalaan ay may sapat na pondo para gampanan ang mandato sa ilalim ng pinagtibay na ₱6.352-T 2025 national budget

Sa botong 285 na pabor ay pinagtibay ng Kamara ang ₱6.352 trillion na panukalang pambansang budget para sa taong 2025. Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, kahit may mga ahensya umanong hindi nakipagtulungan sa budget process, ay may sapat na pondo pa rin ito para magampanan ng tanggapan… Continue reading Kamara, tiniyak na bawat ahensya ng pamahalaan ay may sapat na pondo para gampanan ang mandato sa ilalim ng pinagtibay na ₱6.352-T 2025 national budget

Kakulangan sa postharvest facilities, patuloy na tinutugunan ng DA

Pinaiigting na ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang para matugunan ang kakulangan ng postharvest facilities sa bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ang hamon sa postharvest facilities ang isa sa nakikita nitong dahilan kung bakit bumababa ang farmgate price ng palay. Sa panig ng DA, tuloy-tuloy na aniya ang ginagawa nitong… Continue reading Kakulangan sa postharvest facilities, patuloy na tinutugunan ng DA