Magandang food supply sa bansa ngayong holiday season, asahan na — pamahalaan

Maganda ang inaasahang food supply ng bansa sa harap ng nalalapit na holiday season sa Pilipinas. “In terms sa supply, maganda iyong expectation natin iyong ating projection, sa presyo naman, nakita na natin mayroon na tayong P42 sa imported rice, ang local natin is P45,” -Asec. de Mesa. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni… Continue reading Magandang food supply sa bansa ngayong holiday season, asahan na — pamahalaan

Pangulong Marcos, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Inilabas ng Malacañang ngayong gabi ang listahan ng pangalan ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, na itinalaga sa pwesto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., as of August 29, 2024. Kabilang dito sina: Professional Regulation Commission Chairperson Maricris Vines; Professional Regulatory Board of Dentistry Chairperson Merlin Go; Presidential Commission for the… Continue reading Pangulong Marcos, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Senate President Pro Tempore, itinanggi ang usap-usapang may planong palitan si SP Chiz

Pinabulaanan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mga usap-usapan na may namumuo na namang palitan sa liderato ng Senado. Sa naturang impormasyon, napapabalitang si Estrada ‘di umano ang matunog na papalit kay Escudero sa Senate Presidency. Pero giit ni Estrada, walang katotohanan ang impormasyon na ito at wala rin siyang balak maging Senate… Continue reading Senate President Pro Tempore, itinanggi ang usap-usapang may planong palitan si SP Chiz

Citizen rights’ network sa Kongreso: ‘Konektadong Pinoy Act’ posibleng makaapekto sa seguridad ng bansa

Nagpahayag ng pagkabahala ang isang citizens’ rights network sa panukalang  Konektadong Pinoy Bill, o Senate Bill 2699, at sinabing ang bill, sa kasalukuyang porma nito, ay may oversight gaps na maaaring magresulta sa hindi sinasadyang negatibong epekto sa mga Pilipino. Sa isang statement, sinabi ng CitizenWatch Philippines sa Facebook na nababahala ang organisasyon sa lumuluwag… Continue reading Citizen rights’ network sa Kongreso: ‘Konektadong Pinoy Act’ posibleng makaapekto sa seguridad ng bansa

Paniningil ng multa sa mga motoristang dadaan sa expressway na walang RFID, ipinagpaliban sa 2025— DOTr

Muling ipinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) sa 2025 ang pagpapataw ng multa sa mga motoristang hindi susunod sa mga patakaran sa expressways sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar, kabilang ang pag-install at tamang pag-load ng RFID. Ayon kay Transportation Sectretary Jaime Baustista, mayroong mga tool ang DOTr upang matugunan ang… Continue reading Paniningil ng multa sa mga motoristang dadaan sa expressway na walang RFID, ipinagpaliban sa 2025— DOTr

AF Payments Inc., nagbabala laban sa pekeng promo ng beep card na nag-aalok ng libreng sakay sa tren

Nagbabala ang AF Payments Inc. (AFPI), ang may-ari ng beep card, sa publiko tungkol sa mapanlinlang na online promotion na nag-aalok ng 12 buwang libreng sakay sa tren. Batay sa abiso, ang scam ay unang nai-post sa Facebook page na Transportation in Metro Manila at mula noon ay naibahagi na sa iba’t ibang social media… Continue reading AF Payments Inc., nagbabala laban sa pekeng promo ng beep card na nag-aalok ng libreng sakay sa tren

Kamara, hihintayin na humarap ang OVP sa budget deliberations ngayong araw

Maghihintay ang Kamara hanggang sa humarap ang mga opisyal ng Office of the Vice President sa isinasagawang plenary deliberations ngayong araw. Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, dapat ay kaninang alas-10 ng umaga sumalang ang pagtalakay sa panukalang pondo ng OVP para sa taong 2025. Pero hindi dumating ang bise presidente. At bagamat mayroong… Continue reading Kamara, hihintayin na humarap ang OVP sa budget deliberations ngayong araw

Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nakitaan ng impeksyon sa baga

Nakitaan ng hinihinalang impeksyon sa kaniyang kaliwang baga si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo makaraang ganap nang mailipat ang kustodiya kay Guo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City Jail Female Dormitory. Ayon kay Fajardo, ito ang… Continue reading Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nakitaan ng impeksyon sa baga

Pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan, binigyang halaga ng DepEd ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day. Sa mensahe ni Education Secretary Sonny Angara sa flag ceremony sa DepEd Central Office, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng sabay-sabay na pagkain ng pamilya. Ayon kay Angara, batay sa mga pag-aaral, ang mga mag-aaral na nakikilahok… Continue reading Pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan, binigyang halaga ng DepEd ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day

Dismissed Mayor Alice Guo, dapat lang malipat sa normal na kulungan – Sen. Gatchalian

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na matutuloy na ang paglipat kay dismissed Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail sa kabila ng naging delay dito. Ayon kay Gatchalian, dahil mayroon nang court order ay kailangan na lang hintayin na makumpleto at matapos ang documentary process. Sang-ayon ang senador na dapat malipat sa normal na kulungan… Continue reading Dismissed Mayor Alice Guo, dapat lang malipat sa normal na kulungan – Sen. Gatchalian