Biyahe ng pampasaherong jeep sa Monumento, tuloy-tuloy lang ngayong umaga

Normal ang sitwasyon sa mga kalsada sa bahagi ng Monumento sa Caloocan City sa kabila ng nakakasang transport strike ng grupong MANIBELA at PISTON. Karamihan kasi ng mga bumibyaheng jeepney driver gaya ni Mang Fernando ay bahagi na ng kooperatiba kaya wala nang balak mag-tigil pasada. Ayon din kay Mang Alberto na miyembro ng Malabon… Continue reading Biyahe ng pampasaherong jeep sa Monumento, tuloy-tuloy lang ngayong umaga

Malabon LGU, may Libreng Sakay pangontra sa nakakasang transport strike

Nakaantabay na ang mga Libreng Sakay ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon para umalalay sa mga posibleng maapektuhan ng patuloy na tigil-pasada ng ilang transport group bilang pagtutol sa Jeepney Modernization. Kasunod ito ng anunsyo ng grupong MANIBELA at PISTON na tigil-pasada simula ngayong araw, September 23 hanggang September 24. Ayon sa Malabon bilang tugon sa… Continue reading Malabon LGU, may Libreng Sakay pangontra sa nakakasang transport strike

Number coding scheme sa Metro Manila, mananatili sa gitna ng tigil-pasada ng ilang transport group

Iiral pa rin ang Motor Vehicle Volume Reduction Program o mas kilala bilang number coding scheme ngayong araw. Ito’y sa gitna ng ikinasang tigil-pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA sa isyu pa rin ng PUV Modernization Program. Una nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes na walang epekto… Continue reading Number coding scheme sa Metro Manila, mananatili sa gitna ng tigil-pasada ng ilang transport group

Pagpapatupad ng flexible teaching sked sa mga pampublikong paaralan, pinuri ng isang mambabatas

Sinang-ayunan ni Navotas Representative Toby Tiangco ang bagong guidelines na inilabas ng Department of Education (DepEd) para sa flexible teaching time sa ilalim ng MATATAG Basic Education Curriculum. Aniya, sa paraang ito ay matitiyak ang kapakanan ng mga guro gayundin ang learning competencies ng mga mag-aaral sa public schools. “I welcome the sustained efforts of… Continue reading Pagpapatupad ng flexible teaching sked sa mga pampublikong paaralan, pinuri ng isang mambabatas

Dismissed Mayor Alice Guo, dapat lang malipat sa normal na kulungan — Sen. Gatchalian

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na matutuloy na ang paglipat kay dismissed Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail sa kabila ng naging delay dito. Ayon kay Gatchalian, dahil mayroon nang court order ay kailangan na lang hintayin na makumpleto at matapos ang documentary process. Sang-ayon ang senador na dapat malipat sa normal na kulungan… Continue reading Dismissed Mayor Alice Guo, dapat lang malipat sa normal na kulungan — Sen. Gatchalian

PNP-ACG, binalaan ang publiko sa mga nag-aalok na i-rekober ang mga ‘hacked account’

Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime group (ACG) ang publiko sa mga mapanlinlang na Facebook page na nagbibigay ng paalala tungkol sa mga online scam at nag-aalok ng tulong sa pag-rekober ng mga na-hack na account. Ito’y matapos na makarating sa kaalaman ng ACG ang dalawang Facebook page na may pangalang “legal aid” at… Continue reading PNP-ACG, binalaan ang publiko sa mga nag-aalok na i-rekober ang mga ‘hacked account’

PNP Chief, nagbabala sa mga pulis na ‘wag magpagamit sa mga politiko sa darating na halalan

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga pulis na huwag magpagamit sa mga politiko sa darating na halalan. Ang babala ay ginawa ni Gen. Marbil sa gitna ng paghahanda ng PNP para sa 2025 National and local Elections na magsisimula sa filing of Certificates of Candidacy sa unang linggo… Continue reading PNP Chief, nagbabala sa mga pulis na ‘wag magpagamit sa mga politiko sa darating na halalan

PCG, pinangunahan ang pagbubukas ng ika-25 National Maritime Week at ika-29 na National Seafarers Day ngayong araw

Opisyal na inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbubukas ng ika-25 National Maritime Week at ika-29 na National Seafarers Day sa isang kaganapan ngayong araw, September 22, na isinagawa sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila. Kapwa pokus sa tema ng parehas na selebrasyon ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng kaligtasan sa dagat. Sa… Continue reading PCG, pinangunahan ang pagbubukas ng ika-25 National Maritime Week at ika-29 na National Seafarers Day ngayong araw

Pangulong Marcos, naging abala sa iba’t ibang gawain ngayong weekend

Hindi nagtungo sa Singapore si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Tugon ito ni Communications Acting Secretary Cesar Chavez nang tanungin kung nasa Singapore ba ang Pangulo, upang manood ng F1 race. “He did not go to Singapore.” —PCO Acting Sec. Chavez. Ayon sa kalihim, nasa bahay lamang ang Pangulo, kasama ang kaniyang pamilya. Nitong weekend,… Continue reading Pangulong Marcos, naging abala sa iba’t ibang gawain ngayong weekend

Mega Job Fair ng DMW dinagsa ng mga aplikante ngayong araw

Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang isinasagawang Mega Job Fair ng Department of Migrant Workers (DMW) sa SMX Convention Center sa Pasay City ngayong araw, Setyembre 22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 National Maritime Week at ika-29 National Seafarers Day. May temang “Disenteng Trabaho para sa mga Marinong Pilipino” ang nasabing kaganapan na… Continue reading Mega Job Fair ng DMW dinagsa ng mga aplikante ngayong araw