Polvoron video na ipinakalat sa mismong araw ng nagdaang SONA ni PBBM, manipulated ayon sa findings ng mga eksperto mula sa India

Manipulado ang polvoron video na ipinakalat sa mismong araw ng nagdaang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang lumabas sa findings ng AI experts mula sa Deepfakes Analysis Unit na bahagi ng India-based Misinformation Combat Alliance. Gumamit umano ang mga nasa likod ng polvoron video ng tool na SensityAI at nakitaan ang ginawang… Continue reading Polvoron video na ipinakalat sa mismong araw ng nagdaang SONA ni PBBM, manipulated ayon sa findings ng mga eksperto mula sa India

Kopya ng Warrant of Arrest laban kay dismisssed Bamban Mayor Alice Guo, kailangan munang ibalik ng PNP sa Pasig RTC

Posibleng sa Lunes na mailipat ng kustodiya sa Pasig City Jail Female Dormitory si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Sa kanyang text message, sinabi ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief Colonel Jean Fajardo, kailangan munang maibalik ng PNP ang kopya ng Warrant of Arrest na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court kaugnay… Continue reading Kopya ng Warrant of Arrest laban kay dismisssed Bamban Mayor Alice Guo, kailangan munang ibalik ng PNP sa Pasig RTC

BSP, nilinaw kung bakit kinailangang i-terminate ang kontrata ng AllCard sa pag-imprenta ng mga PhilSys ID

Muling iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makatuwiran ang ginawa nitong pag-terminate sa kontrata ng AllCard dahil sa mga pagkakaantala ng kumpanya. Ayon sa BSP, ang hakbang na ito ay para protektahan ang interes ng gobyerno at ng Philippine Statistics Authority (PSA), na nangunguna sa pagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys). Sa pagpapatigil… Continue reading BSP, nilinaw kung bakit kinailangang i-terminate ang kontrata ng AllCard sa pag-imprenta ng mga PhilSys ID

₱10 million halaga ng illegally refilled LPG cylinders, nakumpiska sa Rodriguez, Rizal –PNP-CIDG

Sinalakay ng mga operatiba ng PNP- Criminal Investgation Unit ang United Metro Gaz Inc sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Aabot sa ₱10 milyon na halaga ng ilegal na refilled LPG cylinders ang nasamsam at tatlo katao ang naaresto ng pulisya. Ayon kay CIDG Director PMGen. Leo Francisco, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Oplan… Continue reading ₱10 million halaga ng illegally refilled LPG cylinders, nakumpiska sa Rodriguez, Rizal –PNP-CIDG

43 overstaying OFW mula UAE, balik-bansa na

Nakauwi na sa Pilipinas ang pangalawang batch ng mga overstaying na Filipino mula Abu Dhabi at Dubai sa ilalim ng UAE Amnesty Program na inilunsad magmula noong September 1 nitong taon. Binubuo ang nasabing grupo ng 43 OFWs na nakinabang sa amnestiya upang makabalik na bansa. Sa kanilang pag-uwi, agad silang sinalubong ng Department of… Continue reading 43 overstaying OFW mula UAE, balik-bansa na

Daan-daang trabaho, naghihintay sa extended job fair sa lungsod ng Maynila

Pinahaba pa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang programang “Marangal na Trabaho para sa bawat Manileño” sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna at ng Public Employment Service Office (PESO) ng Maynila ang “TRABADO” o “Hanap Trabaho tuwing Sabado” para sa mga job seekers na Manileño. Ngayong araw, September 21, 2024, mula 10:00 AM… Continue reading Daan-daang trabaho, naghihintay sa extended job fair sa lungsod ng Maynila

Ilan pang LGU sa Northern Luzon, nakipag-partner sa DHSUD para sa 4PH program ng gobyerno

Tatlo pang local government units sa Northern Luzon ang naghayag ng interes na magtayo ng housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Pormal nang lumagda sa  kasunduan sina DHSUD Undersecretary Gary De Guzman,ang 4PH Project Management Office  Head, Delfin Albano ,Isabela Mayor Arnold Edward Co,Rizal… Continue reading Ilan pang LGU sa Northern Luzon, nakipag-partner sa DHSUD para sa 4PH program ng gobyerno

QC LGU, palalakasin pa ang kampanya laban sa basura at pagbaha sa Quezon City

Pinaplantsa na ng Quezon City Government ang ilulunsad na city wide program na “QC Tanggal Bara, Iwas Baha sa 142 Barangay sa Lungsod”. Katunayan, pinulong na ni Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang mabigyang solusyon ang madalas na pagbabaha sa lungsod ngayong tag-ulan. Nais ng alkalde na pangunahan ng mga… Continue reading QC LGU, palalakasin pa ang kampanya laban sa basura at pagbaha sa Quezon City

Malacañang, nagtalaga ng OIC sa Energy Regulatory Commission

Itinalaga bilang Officer-in-Charge Chairperson and Chief Executive Officer ng Malakanyang si Atty. Jesse Hermogenes T. Andres sa Energy Regulatory Commission. Base ito sa inilabas na Memorandum ng tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang September 20, 2024. Ang pagkakatalaga kay Atty. Andres ay ginawa sa gitna ng umiiral na 6 months suspension order… Continue reading Malacañang, nagtalaga ng OIC sa Energy Regulatory Commission

BAN Toxic, inalerto ang QC government sa nadiskubreng mercury leakage sa isang barangay

Naalarma ang grupong BAN Toxic sa nadiskubreng mercury leakage sa stockpile ng mga busted flourescent lamps sa Barangay Blue Ridge -A sa Quezon City. Sa ulat ng Toxic Watchdog, ang mga stockpile ay kinolekta sa komunidad para matiyak ang tamang disposal ng hazardous waste mula sa mga kabahayan. Ayon kay Tony Dizon ng Ban Toxic,… Continue reading BAN Toxic, inalerto ang QC government sa nadiskubreng mercury leakage sa isang barangay