Patuloy na paglago ng manufacturing sector, makakatulong sa paglikha ng mas maraming trabaho

Positibo ang isang mambabatas na ang patuloy na pag-lago ng manufacturing sector ay makatutulong sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng bansa at paglikha ng dagdag pang trabaho. Tinukoy ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang pinakahuling report ng S&P Global kung saan tumaas ang Purchasing Managers’ Index o PMI ng Pilipinas nitong Disyembre sa 54.3, higit na… Continue reading Patuloy na paglago ng manufacturing sector, makakatulong sa paglikha ng mas maraming trabaho

DA, planong magpatupad ng maximum suggested retail price sa imported na bigas

Bilang bahagi pa rin ng pagsisikap na maibaba pa ang presyo ng bigas sa merkado, pinaplano na ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported na bigas. Sa isang panayam, iginiit ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. na wala na dapat P60 na kada kilong imported rice na… Continue reading DA, planong magpatupad ng maximum suggested retail price sa imported na bigas

Ika-213 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora ‘Tandang Sora’ Aquino, ipinagdiwang sa QC

Ipinagdiwang ngayong araw ng Quezon City government ang ika-213 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino. Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, ang pag-aalay ng bulaklak sa sa Tandang Sora National Shrine, Brgy. Tandang Sora. Sa kanyang mensahe, ipinunto ng alkalde ang pamana ni Melchora Aquino sa bawat Pilipino. Naging… Continue reading Ika-213 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora ‘Tandang Sora’ Aquino, ipinagdiwang sa QC

94% electrification rate, target maabot ng NEA sa 2025

Pursigido ang National Electrification Administration (NEA) na maabot ang target na 94% energization rate sa mga remote households sa bansa ngayong 2025. Ayon kay NEA Administrator Antonio Mariano Almeda, positibo siyang makakamit ang target na ito kung saan mananatiling prayoridad ang mga lalawigan sa Mindanao. Sa ilalim ng naaprubahang 2025 budget, aabot sa ₱1.627-billion ang… Continue reading 94% electrification rate, target maabot ng NEA sa 2025

Operation Timbang Plus 2025, ilulunsad sa QC

Nakatakdang ilunsad ngayon ng Quezon City government sa pangunguna ng QC Health Department ang Operation Timbang Plus 2025. Layon ng aktibidad na suriin ang timbang ng mga batang may edad 0-59 na buwan upang matukoy kung nasa tamang kalusugan at paglaki ang mga ito. Gayundin upang matukoy ang mga batang dumaranas ng malnutrisyon at kailangan… Continue reading Operation Timbang Plus 2025, ilulunsad sa QC

Digitalization ng public school system, isinusulong sa Kamara

Itinutulak ngayon ni Representative Brian Yamsuan ang mabilis na pag-apruba sa House Bill 276 o Institutionalization of Digital Technology in Public Education Act. Sa ilalim nito, paglalaanan ng ₱500-million ang digital transformation ng public school system ng bansa. Tinukoy niya na noong pandemya, naging tulay ang digital technology para maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng… Continue reading Digitalization ng public school system, isinusulong sa Kamara

37 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon

Nananatiling nakaalerto ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros matapos makapagtala ng mataas na lebel ng mga pagyanig o volcanic earthquakes. Batay sa update ng PHIVOLCS, umabot sa 37 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24-oras. Nagpapatuloy rin ang makapal at walang… Continue reading 37 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon

Mga pasaherong naserbisyuhan sa MRT-3 noong 2024, sumampa sa 135-M

Kabuuang 135,885,336 pasahero ang naitalang sumakay sa Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) noong 2024. Katumbas ito ng 5.3% na pagtaas mula sa higit 129-million commuter sa katapusan ng 2023. Umakyat din sa 5.1% ang average daily ridership sa tren noong 2024 o katumbas ng 375,474 pasahero. Pinakamaraming pasahero ang naitala noong buwan ng Oktubre na… Continue reading Mga pasaherong naserbisyuhan sa MRT-3 noong 2024, sumampa sa 135-M

Mabigat na trapiko, sumalubong sa mga motorista sa ilang bahagi ng NLEX ngayong Lunes

Matapos ang holiday break ay maagang trapiko ang bumungad sa maraming motorista sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) ngayong Lunes. Sa 7am monitoring ng pamunuan ng NLEX, nararanasan ngayon sa bahagi ng Balintawak Cloverleaf Southbound ang mabigat na volume ng mga sasakyan. Dahil dito, nasa 10kph lamang ang running speed ng mga sasakyan… Continue reading Mabigat na trapiko, sumalubong sa mga motorista sa ilang bahagi ng NLEX ngayong Lunes

Pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa 2025 Midterm Elections, sisimulan ng COMELEC ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw, January 6 ang Commission on Elections (COMELEC) sa pag-imprenta ng mga balota na gagamitin ng 74 na milyong botante para sa 2025 Midterm Elections. Sa warehouse ng COMELEC sa Biñan City, Laguna gagawin ang pag-imprenta na tatagal ng 77 araw. Ayon kay COMELEC Chair George Erwin Garcia, target nilang matapos ang… Continue reading Pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa 2025 Midterm Elections, sisimulan ng COMELEC ngayong araw