DA, nagpatupad ng temporary ban sa mga imported na ibon mula sa New Zealand

Pansamantala nang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng domestic at wild birds mula sa New Zealand. Ito’y matapos makumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nagpositibo sa H7N6 strain ng High Pathogenicity Avian Influenza ang domestic birds mula sa nasabing bansa. Kasama din sa ban sa pag angkat ang mga… Continue reading DA, nagpatupad ng temporary ban sa mga imported na ibon mula sa New Zealand

P38 kada kilo ng bigas, ibinebenta na rin sa Tacloban City Public Market

Ikinalugod ni House Assistant Majority Leader at Tingog Partylist Representative Jude Acidre na nakarating na rin sa Eastern Visayas ang mas murang bigas. Ayon kay Acidre, nitong weekend Enero 4 ay nagsimula na ang bentahan ng P38 kada kilo ng bigas sa Tacloban City Public Market. Bukod sa Tacloban, sabi ni Acidre ay available na… Continue reading P38 kada kilo ng bigas, ibinebenta na rin sa Tacloban City Public Market

Higit 134,000 motorista, nahuli dahil sa paglabag sa Seatbelt Law noong 2024

Photo courtesy of Land Transportation Office (LTO)

Aabot sa 134,147 motorista ang nahuli sa buong bansa noong 2024 dahil sa paglabag sa Republic Act 8750 o Seat Belt Law. Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II, resulta umano ito ng agresibong pagpapatupad ng batas ng ahensya. Dahil sa pinaigting na kampanya, nakakolekta ang LTO ng P179.9 milyon mula sa… Continue reading Higit 134,000 motorista, nahuli dahil sa paglabag sa Seatbelt Law noong 2024

Pagpapakawala ng tubig sa Binga dam, itinigil na habang nilimitahan naman ang sa Magat dam — PAGASA

Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Binga dam sa Itogon Benguet. Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, naibaba na ang water level sa dam sa 573.97 meters o mababa ng 1.03 meters mula sa normal water elevation na 575 meters. Nilimitahan na rin ang pagpapakawala ng tubig sa Magat dam sa boundary ng Ifugao… Continue reading Pagpapakawala ng tubig sa Binga dam, itinigil na habang nilimitahan naman ang sa Magat dam — PAGASA

2 Chinese passengers na may bogus travel docs, naharang sa NAIA

Huli ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sinubukang lumabas ng bansa gamit ang mga pekeng immigration document. Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, nasakote ang dalawa sa may departure area ng NAIA Terminal 3 nitong Linggo bago sumakay ng kanilang flight papuntang Bangkok. Kinilala ang… Continue reading 2 Chinese passengers na may bogus travel docs, naharang sa NAIA

13 Pinay surrogate mothers kasama ang kanilang baby, nakauwi na sa kanilang pamilya — DSWD

Nakabalik na sa kanilang pamilya ang lahat ng 13 Pinay surrogate mothers at kanilang mga sanggol na pinauwi mula sa Cambodia. Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit isang linggo din silang pansamantalang nanirahan sa shelter facilities ng DSWD dahil sa kaukulang proseso. Ang natitirang limang surrogate mothers… Continue reading 13 Pinay surrogate mothers kasama ang kanilang baby, nakauwi na sa kanilang pamilya — DSWD

PDEG, masusi ang ginagawang beripikasyon sa mga kandidatong maaaring sangkot sa iligal na droga

Patuloy ang beripikasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) sa mga kandidato sa Halalan 2025 na posibleng sangkot sa iligal na droga. Ayon kay PDEG Spokesperson Police Lieutenant Dhame Malang, maingat ang kanilang ahensya sa proseso ng validation sa mga kandidato na naiuugnay sa droga. Paliwang ni Malang, normal lamang ang mga akusasyon at… Continue reading PDEG, masusi ang ginagawang beripikasyon sa mga kandidatong maaaring sangkot sa iligal na droga

Substitute bill para sa panukalang rightsizing ng pamahalaan, isusumite ni SP Chiz Escudero

Maghahain si Senate President Chiz Escudero sa Lunes ng substitute bill para sa isinusulong na panukalang rightsizing ng pamahalaan. Ayon kay Escudero, sa isusumite niyang substitute bill ay nais niyang linawin ang ilan sa mga isyu sa naturang panukala. Kabilang na dito ang aniya’y pagkakaroon ngayon ng negatibong imahe ng panukala, dahil nakalagay sa explanatory… Continue reading Substitute bill para sa panukalang rightsizing ng pamahalaan, isusumite ni SP Chiz Escudero

NCRPO, naglabas ng mga paalala para sa Traslacion; Gun ban, liquor ban epektibo na ngayong araw

Naglatag ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mga paalala para sa isasagawang Traslacion bukas sa Huwebes. Ayon kay NCRPO Chief Police Brigadier General Anthony Aberin, epektibo na kaninang ng alas-7 ng umaga ang liquor ban sa 500-meter radius sa bisinidad ng Quirino Grandstand at Quiapo Church hanggang alas-7 ng umaga sa Jan. 10.… Continue reading NCRPO, naglabas ng mga paalala para sa Traslacion; Gun ban, liquor ban epektibo na ngayong araw

AFP, tiniyak na may kakayahan ang bansa para makaiwas sa ‘cyber intrusion’ gaya ng hacking

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may sapat na proteksyon ang bansa laban sa ‘cyber intrusion’ gaya ng hacking. Ito ay kasunod ng mga ulat na umano’y nanakaw ng mga hacker mula sa China ang mga datos mula sa tanggapan ng Pangulo at militar ng Pilipinas. Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel… Continue reading AFP, tiniyak na may kakayahan ang bansa para makaiwas sa ‘cyber intrusion’ gaya ng hacking