Heavy rainfall warning, inanunsiyo ng PAGASA

Ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 9 ng DOST-PAGASA ngayong Enero 10, 2025, alas-11 ng umaga, isang Red Warning ang ipinatupad sa Sorsogon dahil sa inaasahang malubhang pagbaha sa mga lugar na madalas bahain. Tumaas din ang tsansa ng landslides sa mga lugar na madalas tamaan ng landslides. Samantala, isang Orange Warning naman… Continue reading Heavy rainfall warning, inanunsiyo ng PAGASA

Palasyo, nagdeklara ng suspensiyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at pasok sa paaralan sa lahat ng level sa Manila at Pasay sa January 13

Naglabas na ng Memorandum Circular 76 ang Malacañang na nagdedeklarang walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at paaralan sa lahat ng antas, sa mga siyudad ng Pasay at Maynila sa darating na Lunes, January 13. Ang deklarasyon ay ginawa sa harap ng nakatakdang peace rally ng Iglesia ni Cristo na inaasahang dadagsain ng mga… Continue reading Palasyo, nagdeklara ng suspensiyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at pasok sa paaralan sa lahat ng level sa Manila at Pasay sa January 13

Kamara, patuloy na nakasuporta sa anti-poverty drive ng pamahalaan sa gitna ng pagtaas ng self-rated poverty

Mananatiling kaisa ng Administrasyong Marcos ang Kamara sa pagpapatupad ng mga programa para labanan ang kahirapan, mapalago ang ekonomiya at makamit ang katatagan sa pagkain. Ito ang tiniyak ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre kasunod ng resulta ng SWS survey kung saan 63 percent ng pamilyang Pilipino ang kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.… Continue reading Kamara, patuloy na nakasuporta sa anti-poverty drive ng pamahalaan sa gitna ng pagtaas ng self-rated poverty

Dagdag na opsyon ng murang bigas, ibebenta na sa Kadiwa ng Pangulo kiosks

Madadagdagan pa ang opsyon sa murang bigas ng mga suki sa Kadiwa ng Pangulo kiosks na nakapwesto sa iba’t ibang palengke at piling istasyon sa Metro Manila. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., inatasan na nito ang Food Terminals Inc. (FTI) na simulan ang pagbebenta ng apat na klase ng bigas sa mga Kadiwa… Continue reading Dagdag na opsyon ng murang bigas, ibebenta na sa Kadiwa ng Pangulo kiosks

P58 per kilo maximum suggested retail price sa imported rice, ipatutupad na ng DA

Inanunsiyo ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na epektibo sa January 20 ay ipatutupad na ang P58 kada kilo ng maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas. Kasunod ito ng konsultasyon ng Department of Agriculture (DA) sa importers, retailers, at rice industry stakeholders. Inisyal na ipatutupad ang MSRP sa Metro Manila… Continue reading P58 per kilo maximum suggested retail price sa imported rice, ipatutupad na ng DA

QC LGU, nag-inspeksyon sa itinatayong elevated walkway sa Quezon Memorial Circle

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag-iinspeksyon sa itinatayong elevated promenade sa lungsod na nagkokonekta sa Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center. Nilakad ng alkalde kasama sina City Engineer Atty. Dale Perral, City Architect Lucille Chua, at QMC Administrator Windsor Bueno ang promenade, na inaasahang magpapadali sa paglipat ng… Continue reading QC LGU, nag-inspeksyon sa itinatayong elevated walkway sa Quezon Memorial Circle

Mas mabigat na parusa sa bentahan ng iligal na tobacco products, tinalakay na sa Kamara

Sinimulan nang talakayin ng Ways and Means Committee ang panukala na layong tugunan ang lumalalang illicit tobacco trade sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 10329 ni Albay Representative Joey Salceda, magpapataw ng mas mabigat at magkakaibang parusa depende sa paglabag. Giit niya, na ang bentahan ng ipinuslit at iligal na tobacco products ay nauuwi… Continue reading Mas mabigat na parusa sa bentahan ng iligal na tobacco products, tinalakay na sa Kamara

Naitalang kaso ng H5N2 bird flu sa bansa, na-contain na — DA

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na ‘contained’ na ang naitalang kaso ng H5N2 bird flu sa bansa. Sa panayam sa media, sinabi ng kalihim na kakaunti lang ang tinamaan ng H5N2 at hindi ito sa mga manok kung hindi sa pato. Ayon sa kalihim, nakatay na ang mga nagpositibo rito at wala ring… Continue reading Naitalang kaso ng H5N2 bird flu sa bansa, na-contain na — DA

Bentahan ng sulit rice, nagsimula na sa Murphy Market sa QC

Mabibili na ang mas mura pang bigas sa Murphy Market sa Quezon City. Sinimulan na kasi ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng Sulit Rice, na bukod pa sa P40 kada kilong Rice for All sa Kadiwa ng Pangulo kiosk sa naturang palengke. Nagkakahalaga lang ng P36 ang kada kilo ng Sulit Rice na… Continue reading Bentahan ng sulit rice, nagsimula na sa Murphy Market sa QC

15 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon

Bahagyang humupa ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras. Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), wala itong naitalang pagbuga ng abo sa bulkan bagamat mayroong 15 volcanic earthquake o mga pagyanig. Bumaba rin sa 2,029 tonelada ng asupre o sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan bagamat nananatili… Continue reading 15 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon