National Immunization Program ng DOH Caraga, muling umarangkada sa Butuan City at rural health units sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon

Libreng bakuna ang handog ng Department of Health (DOH) Caraga ngayong buwan ng Enero. Maaari itong ma-avail ng bawat indibidwal na may edad 18 pataas, kung saan prayoridad ang mga senior citizen. Mayroong pneumococcal vaccine para sa mga senior citizen, flu vaccine, at HPV o Human Papilloma Virus Vaccine para naman sa mga batang babaeng… Continue reading National Immunization Program ng DOH Caraga, muling umarangkada sa Butuan City at rural health units sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon

Maagap na paglalabas ng ₱7,000 medical allowance para sa mga kawani ng gobyerno, pinuri ng House panel chair

Pinapurihan ni House Committee on Government Reorganization Chair Jonathan Keith Flores ang mabilis na pag-aksyon ng Department of Budget and Management (DBM) sa implementasyon ng ₱7,000 na madical allowance para sa lahat ng kawani ng pamahalaan. Malaking tulong aniya ito, para mapunan ang kakulangan ng PhilHealth na ipatupad ang Universal Health Care Act. Sa pamamagitan… Continue reading Maagap na paglalabas ng ₱7,000 medical allowance para sa mga kawani ng gobyerno, pinuri ng House panel chair

Party-list solon, nanawagan sa DOTr na huwag pagbigyan ang taas-pasahe sa LRT-1

Umapela si Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na huwag pagbigyan ang planong taas-singil sa pasahe ng LRT-1 dahil aniya magiging dagdag pasanin na naman ito sa working-class commuters. Batay sa plano ng LRT-2, magkakaroon ng dagdag na ₱8.65 para sa short-distance passengers, ₱6.02 para sa mid-distance passengers, at ₱12.50 naman… Continue reading Party-list solon, nanawagan sa DOTr na huwag pagbigyan ang taas-pasahe sa LRT-1

Mga pagkaing Maranao, patok sa Traslacion

Buhay na buhay ang komersyo sa Muslim Community sa Quiapo ngayong isinasagawa ang Traslacion 2025. Patok sa mga deboto ang mga pagkaing Maranao na bukod sa mura na ay masarap pa. Kabilang sa mga pinakamabili sa isang kainang naghahain ng mga pagkaing Maranao ay Pater at Pastil. Ayon kay Ella Badar, isa sa mga nagtitinda… Continue reading Mga pagkaing Maranao, patok sa Traslacion

Mga employer sa Metro Manila at Caraga, pinaalalahanan ni Sen. Jinggoy Estrada na sundin ang wage hike para sa mga kasambahay

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa mga employer ng mga kasambahay sa Metro Manila at Caraga Region na sundin ang taas-sahod para sa mga domestic workers na ipatutupad ngayong buwan. Matatandaang mula nitong January 4, 2025 ay itinaas na sa ₱7,000 kada buwan ang minimum wage para sa mga kasambahay sa Metro… Continue reading Mga employer sa Metro Manila at Caraga, pinaalalahanan ni Sen. Jinggoy Estrada na sundin ang wage hike para sa mga kasambahay

DSWD, muling iginiit na di hahayaang mapolitika ang distribusyon ng AKAP

Muling nanindigan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nito hahayaan ang sinumang politiko na gamitin ang mga programa ng ahensya kabilang ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) para sa papalapit na halalan. Iginiit ito ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao matapos aprubahan ng Commission on Elections (COMELEC)… Continue reading DSWD, muling iginiit na di hahayaang mapolitika ang distribusyon ng AKAP

Bentahan ng ₱29 kada kilong bigas, aarangkada na muli sa NIA Central Office

Balik na ang bentahan ng murang bigas sa National Irrigation Administration (NIA) Central Office ngayong araw. Sa abiso ng NIA, 2,000 bags ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice ang muling ibebenta sa abot-kayang halaga na ₱29 kada kilo, pati na rin sariwang gulay, prutas, at iba pang produktong lokal mula sa ating mga magsasaka. Bukas… Continue reading Bentahan ng ₱29 kada kilong bigas, aarangkada na muli sa NIA Central Office

QC LGU, muling nagpaalala sa mga kandidato sa tamang pagpapaskil ng election materials

Habang papalapit ang campaign period, nag-abiso ang Quezon City government sa mga kumakandidato sa lungsod sa tamang pagpapaskil ng kanilang mga election poster. Alinsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010, ipinagbabawal ang paglalagay ng streamers, stickers, decals, pamphlets, tin plates, cardboards, tarpaulins, printed notices, signboard, billboard, at political propaganda sa mga hindi awtorisadong lugar. Kabilang… Continue reading QC LGU, muling nagpaalala sa mga kandidato sa tamang pagpapaskil ng election materials

Mabilis at masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Mervin Guarte, ipinanawagan ni Sen. Alan Peter Cayetano 

Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa mga law enforcement agencies ng bansa na agad na imbestigahan ang kaso ng pamamaslang kay Mervin Guarte, isang gold medalist sa Southeast Asian (SEA) Games at Airman First Class sa Philippine Air Force. Apela ni Cayetano, gawin sana ng mga awtoridad ang lahat para mapanagot ang nasa likod… Continue reading Mabilis at masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Mervin Guarte, ipinanawagan ni Sen. Alan Peter Cayetano 

Tobacco companies, umapela sa gobyerno na paigtingin ang pagtugis sa mga smuggled tobacco products sa bansa

Kinuwestiyon ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pagtaas ng bilang ng mga smoker o naninigarilyo sa Pilipinas sa kabila ng pagbaba ng halaga ng Excise Tax na nakokolekta ng pamahalaan. Sa pinuntong datos ni Gatchalian, naitala aniyang tumaas ng 3% ang mga naninigarilyo sa Pilipinas noong 2023 mula noong… Continue reading Tobacco companies, umapela sa gobyerno na paigtingin ang pagtugis sa mga smuggled tobacco products sa bansa