14,000 pulis ipakakalat para sa seguridad ng Traslacion 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mahigit 14,000 pulis upang matiyak ang seguridad sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa January 9.

Ayon kay NCRPO Acting Director Brigadier General Anthony Aberin, mahigit 12,000 pulis ang magbibigay ng seguridad sa mga lugar at rutang dadaanan ng Traslacion.

Bukod pa rito ang mahigit 2,000 tauhan mula sa iba’t ibang ahensya na itatalaga sa aktibidad.

Dagdag ni Aberin, ang istratehiyang ginamit ng NCRPO noong “Ligtas Paskuhan” ay magsisilbing basehan para sa kanilang seguridad sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Inilatag din ng NCRPO ang ruta ng Traslacion, na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Luneta patungo sa Quiapo Church.

Ang prusisyon ay daraan sa Katigbak Drive, Padre Burgos Street, Ayala Bridge, at iba pang mga kalsadang palibot ng Quiapo.Bago ang prusisyon, magkakaroon ng Fiesta Mass sa grandstand sa hatinggabi ng kapistahan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us