2 indibidwal, patay dahil sa paputok; Mahigit P4.1-M halaga ng iligal na paputok, nakumpiska ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang indibidwal ang nasawi habang isa ang nasugatan dahil sa paputok.

Ito ay batay sa pinakahuling Ligtas Paskuhan monitoring ng Philippine National Police (PNP).

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ang mga nasawi ay mula sa Region 1 at Region 7 habang isa ang nasugatan.

Ayon kay Fajardo, umabot naman sa mahigit 600,000 piraso ng iligal na paputok na nagkakahalaga ng mahigit P4.1 milyon ang nakumpiska ng pulisya habang 85 ang naaresto kaugnay nito.

Samantala, 37 kaso ng indiscriminate firing ang naitala ng PNP na nagresulta sa pagkasugat ng limang indibidwal, 31 tao ang naaresto at 21 baril ang nakumpiska.

Isang indibidwal naman mula sa Region 11 ang nasawi dahil sa ligaw na bala habang 10 ang nasugatan. Umabot naman sa mahigit 1,200 ang naitalang kaso ng firecracker-related injuries. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us