3 Private Armed Groups, binabantayan ng PNP ngayong papalapit na Halalan 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong aktibong Private Armed Groups (PAGs) ngayong papalapit na ang 2025 mid-term elections

Ayon sa PNP, ito ay upang matiyak na hindi sila magagamit ng mga kandidato upang makapanggulo at maka-impluwensya sa darating na Halalan.

Gayunman, hindi pinangalanan ni PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo kung ano-anong PAGs ito subalit natukoy na ito’y buhat sa Central Luzon, Central Visayas at sa Mindanao.

Bukod dito, mayroon pang limang potential PAGs ang binabantayan din ng PNP sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Matatandang bago nito, ipinag-utos na ni PNP Chief Police General Rommel Marbil ang pinaigting na kampanya laban sa PAGS gayundin sa loose firearms, bilang hakbang sa pagtataguyod ng mapayapa at maayos na eleksyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us