Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa anim na baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin.
Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island, Irong-Irong Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; karagatan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; at coastal waters ng Biliran Islands sa Biliran Province
Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na mahahango sa mga naturang katubigan.
Sa kabila nito, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.
Ayon din sa BFAR, ligtas na sa red tide ang Zumarraga Island sa Samar. | ulat ni Merry Ann Bastasa