Maigting na nananawagan ngayon si 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez sa Senado na mapagtibay na sana ang Motorcycle-for-Hire bill.
July 2024 pa naaprubahan ang panukala sa Kamara at nananatiling nakabinbin sa Senado.
Tinukoy ng mambabatas ang pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na nakasalalay ang trabaho ng 60,000 motorcycle taxi riders sa pagsasabatas ng panukala.
Matatapos na kasi ang pilot study ng programa sa pagsasara ng 19th Congress.
Kaya kung wala ang batas ay mawawalan din ang mga rider ng trabaho.
Bukod sa trabaho, tugon din aniya ang batas sa pangangailangan ng alternatibong transportasyon sa bansa.
“It is our responsibility to secure these jobs and provide a framework that not only legalizes but also regulates this mode of transportation, ensuring both safety and economic benefits for our citizens. The Motorcycles-For-Hire Act is not just about maintaining jobs; it’s about advancing our transportation infrastructure in a way that reflects our current needs and future aspirations. I urge my fellow legislators in the Senate to prioritize this legislation to prevent the loss of these vital jobs and to continue supporting an innovative solution to our urban mobility challenges.” – Gutierrez
Nagpasalamat naman si Gutierrez kay Senate Committee on Public Services Chair Grace Poe sa kaniyang pagsuporta sa pagpapatibay ng naturang panukala. | ulat ni Kathleen Forbes