7 matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa balasahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balasahan sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang bumungad sa unang linggo ng bagong taong 2025.

Kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo na 7 matataas na opisyal ng Pulisya ang kabilang dito matapos mabakante ng kanilang uupuang puwesto, bunsod ng pagreretiro ng kanilang sinundan.

Una rito si PMGen. Robert Rodriguez na itinalaga bilang Acting Deputy Chief PNP for Operations o No. 3 Man ng PNP, buhat sa Area Police Command – Visayas.

PInalitan ni Rodriguez si PLtG. Michael John Dubria, na pormal nang nagretiro noon pang Disyembre ng 2024, kaalinsaabay na rin ng kaniyang mandatory retirement age na 56.

Buhat naman sa PNP Human Rights Affairs Office (HRAO), itinalaga si PBGen. Jerico Baldeo bilang Officer-In-Charge ng Directorate for Information and Communications Technolgy Management (DICTM).

Habang mula sa PNP Aviation Security Group AVSEG, ay itinalaga naman si PBGen. Christopher Abrahano bilang Officer-In-Charge ng Police Regional Office 13 (CARAGA).

Si PBGen. Christopher Abecia naman ang papalit kay Abrahano sa AVSEG, habang mula sa Directorate for Police Community Relations (DPCR) ay itinalaga si PBGen. Ramil Montilla bilang Officer-In-Charge ng Headquarters Support Service (HSS).

Papalit naman kay Montilla si PBGen. Roy Parena na dating Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 7 (Central Visayas)

Mula sa Police Regional Office 11 ay inilipat si PBGen. Dionisio Bartolome Jr bilang kapalit ni Parena na ngayo’y itinalaga naman bilang Deputy Director ng DPCR kapalit ni Montilla | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us