AFP, magpapakalat ng mga sundalo sa kapistahan ng itim na Nazareno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 1000 na sundalo mula sa Philippine Army, Marines, at Navy ang idedeploy ng Armed Forces of the Philippines sa Kapistahan ng Black Nazarene sa Maynila.

Ayon kay Col. Romel Recinto, Deputy Commander ng Joint Task Force NCR, katuwang ang AFP sa pagbibigay ng seguridad sa Translacion ng Black Nazarene.

Partikular na babantayan ng mga sundalo ang pahalik sa Quirino Grandstand, Quiapo, at sa Entry at Exit points ng Metro Manila.

Bukod dito, may isang batalyon din ng Marines na naka-standby at handang i-deploy kung kinakailangan.

Nauna nang inihayag ng Philippine National Polic na wala silang namomonitor na anumang banta sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Pero hindi umano magpakampante ang mga otoridad at magtutulungan silang magbabantay sa aktibidad ng simbahan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us