Umakyat na sa 31 ang bilang ng mga naaaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot sa indiscriminate firing nitong nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon.
Batay sa datos mula sa Oplan Ligtas Paskuhan monitoring as of January 5, nagmula ang 31 naaresto sa 37 naitala namang kaso ng indiscriminate firing sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Dalawa sa mga naaresto ay mga pulis, isa ang sundalo, isang CAFGU, isang tauhan ng BuCor, isang Security Guard habang ang nalalabi ay pawang mga sibilyan.
Samantala, lima naman ang nasaktan dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril habang 18 ang nabiktima ng stray bullet kung saan isa dito ang nasawi. | ulat ni Jaymark Dagala