Bilang ng mga road traffic incidents, nadagdagan pa ngayong araw, ayon sa tala ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa bilang na 656 ang mga insidente sa kalsada na naitala ng Department of Health (DOH) mula sa 8 pilot sites nito magmula Disyembre 22, 2024, hanggang 6:00 AM ngayong Linggo, Enero 5, 2025.

Para sa ngayong araw, 18 bagong kaso ang nadagdag, na katumbas ng 32.7% na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Pitong katao ang naiulat na nasawi, kung saan apat sa kanila ay mula sa mga aksidente sa motorsiklo. Sa mga datos, 123 sa mga nasangkot ay nasa impluwensya ng alak, habang 569 naman ang hindi gumamit ng mga safety accessories tulad ng helmet at seatbelt. Sa mga naturang kaso, 468 insidente naman ay mga aksidente sa motorsiklo.

Hinihikayat naman ng DOH ang publiko na sundin ang mga safety protocols sa kalsada, tulad ng pagsusuot ng helmet at seatbelt, pag-iwas sa pagmamaneho kung pagod o nakainom ng alak, pagsunod sa speed limit, at pagkakaroon ng sapat na pahinga bago bumiyahe.

Para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, maaaring tumawag sa 911 o sa DOH emergency hotline na 1555. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us