Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Carabao Center (PCC) sa tatlong pasilidad nito na hindi nagagamit sa orihinal na layunin nito.
Kabilang dito ang 1.56 ektaryang lupain sa San Jose City, Nueva Ecija, at ang pagpapatayo ng isang isang bull farm na para lamang sa mga lalaking baka.
Gayunpaman, nang inspeksiyunin ng mga auditor noong 2023, wala ni isang hayop ang namataan sa lugar dahil sa kawalan ng damo na makakain.
Ang lupain ay natagpuang halos walang gamit at puno lamang ng kakaunting damong kulang sa nutrisyon.
Sinabi ng COA, na walang saysay ang pagbili nito at nagreresulta sa hindi epektibong paggamit ng pondo ng gobyerno,.
Samantala, ang pagtatayo ng milk barn ay isa pang palaisipan dahil ang farm ay halos puno ng mga lalaking baka at kakaunting babaeng baka, ang nadadala doon ay karaniwang mga hayop na galing sa mga magsasaka na hindi maayos ang kalusugan kaya hindi maaaring magbigay ng gatas.
Natuklasan din ng audit team na ang milk barn ay walang laman—walang kagamitan gayundin ang Dairy Processing Plant and Product Outlet o “Dairy Box” sa La Union —na nagkakahalaga ng P3.4 milyon na hindi rin nagamit sa pangunahing layunin nito na pagproseso at koleksyon ng gatas.
Inirekomenda ng COA na gumawa ang PCC ng plano upang magamit ang mga pasilidad at lupain, para hindi tuluyang masayang ang pondo ng gobyerno.
Sa tugon ng PCC, sinabi nilang pinaalalahanan na ang mga regional center tungkol sa mga natuklasan at rekomendasyon ng COA, at nangakong susunod dito. | ulat ni Melany Valdoz Reyes