Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na bigyang prayoridad ang Common Tower Program (CTP) ng tanggapan.
Layon ng programa na mapaigting ang paghahatid serbisyo ng pamahalaan.
“Focus on the Common Tower [Program] because we will be serving more people through that.” —Pangulong Marcos
Sa pulong sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na magsisilbing daan ito upang mas maraming Pilipino ang mapaglingkuran ng gobyerno.
Tinatayang higit 400,000 ang direktang makikinabang sa proyekto, habang higit dalawang milyon naman ang indirect beneficiaries.
Sa kaparehong pulong, inilatag ng DICT ang mga programa at proyekto ng kanilang hanay.
Mula sa 250 government systems, naiakyat na ito sa 1,277 na nagpapa-igting lamang sa serbisyong naibibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng digitalization.
Sa presentation naman ni Secretary Uy, siniguro nito kay Pangulong Marcos ang mas maaasahang operasyon, para sa 15, 715 Free WiFi access points na nagkakahalaga ng P6 billion.
Bukod pa ito sa karagdagang P1.5 billion na ilalaan para sa mga bagong sites at iba pang inisyatibo ng tanggapan, kabilang na ang Common Tower Program. | ulat ni Racquel Bayan