Dinagsa ng libo-libong deboto ang Archdiocesan Shrine of Sto. Niño de Tondo ngayong araw para ipagdiwang ang Dakilang Kapistahan ng Sto. Niño.
Ayon sa tala, mahigit 80,000 katao ang nagtungo sa simbahan pasado alas-11:00 ng umaga.
Dala ang kani-kanilang imahen ng Sto. Niño, ang mga deboto ay pumila para sa pagbabasbas matapos dumalo sa oras-oras na misa. Marami rin ang nagtipon sa gilid ng simbahan para makibahagi sa tradisyunal na selebrasyon.
Bitbit ng ilang mananampalataya at deboto ang mga panalangin at pasasalamat para sa batang Hesukristo.
Magtatagal ang oras-oras na misa sa Simbahan ng Tondo ngayong Kapistahan hanggang 11:00 mamayang gabi. | ulat ni EJ Lazaro