Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang ika-12 Philippine Qualifications Framework National Coordinating Council (PQF-NCC) meeting sa tanggapan ng Department of Education.
Ito ay upang talakayin ang mga reporma para sa pagpapataas ng kakayahang makahanap ng trabaho ang mga Pilipino.
Ayon kay Angara, mahalaga ang Philippine Qualifications Framework sa pagbibigay ng lifelong learning at pagbuo ng mas competitive kasanayan para sa kabataang Pilipino.
Sa pagpupulong, inaprubahan ng konseho ang paglikha ng 22 bagong plantilla positions at pakikipagtulungan sa Development Academy of the Philippines para sa pagbuo ng permanent secretariat.
Tinalakay din ang pagbuo ng technical working group na tutukoy sa mga prayoridad na sektor. Kabilang sa inisyal na listahan ang semiconductors at electronics, manufacturing, tourism at hospitality, maritime, agriculture, at entrepreneurship. | ulat ni Diane Lear