DSWD, nagbigay ng tulong sa pamilya ng 3 menor de edad na nasawi sa sunog sa Tondo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng tatlong batang nasawi matapos ma-trap na nasusunog na bahay sa Tondo, Maynila noong December 30.

Sa pangunguna ng DSWD Field Office-National Capital Region (NCR), binigyan ang kaanak ng food subsidy at cash aid na nagkakahalaga ng ₱20,000.

Ayon sa DSWD, patuloy pa itong nakikipag-ugnayan sa Manila LGU upang matukoy ang iba pang uri ng tulong na maaaring maibigay sa mga naulilang pamilya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸 DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us