Pumapasada na sa ilang lugar sa lungsod Quezon ang mga bagong electric Q City Bus ng Quezon City Government.
Sa anunsyo ng LGU, bumibiyahe ang e-Q City bus sa Route 1 na dumadaan sa Cubao hanggang QC Hall at vice versa.
Mayroon itong 41-seating capacity at wheelchair ramps para mas accessible sa persons with disability (PWDs).
Pinapayagan din ang limitadong standing capacity para matiyak ang ligtas at pagiging kumportable ng mga pasahero.
Ang pag-rollout ng electric bus ay bahagi ng layunin ng pamahalaang lungsod na maipatupad ang Republic Act No. 11697 o ang “Electric Vehicle Industry Development Act” (EVIDA Law) at mapabuti ang kalidad ng hangin sa lungsod.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang biyahe ng Q City Bus araw-araw sa walong ruta sa lungsod.
Ito ay ang libreng sakay na handog ng Quezon City Government sa mga commuter sa lungsod.
Kabilang sa mga rutang pinagsisilbihan nito ang
– QC Hall papuntang Cubao
– QC Hall papuntang Litex / IBP Road
– Welcome Rotonda papuntang Aurora Katipunan
– QC Hall papuntang General Luis
– QC Hall papuntang Mindanao Ave. via Visayas Ave.
– QC Hall papuntang Gilmore
– QC Hall papuntang C5 / Ortigas Ave. Ext. at
– QC Hall papuntang Muñoz
| via Rey Ferrer