GSIS, maglalaan ng nasa mahigit P8.6 billion emergency loan sa mga miyembro nitong nasalanta ng mga bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maglalaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng nasa mahigit P8.6 billion emergency loan, sa kanilang mga miyembro na nasalanta ng mga nagdaang bagyo na tumama sa ating bansa.

Ayon sa GSIS, sa naturang halaga, aabot sa 363,547 na miyembro ang makakakuha ng nasabing emergency loan program ng GSIS, na maaring makapagloan mula P20,000-P40,000 depende sa magiging lokasyon o lugar na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

Maaring mabayaran sa loob ng tatlong taon na may interes na nasa 6% sa kabuuan ng kanilang utang.

Sa huli muli namang siniguro ng GSIS na agaran nilang aaprubahan ang nasabing loan sa mga kwalipikadong miyembro. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us