Heightened alert status ng Philippine National Police, pinalawig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig pa ang heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) partikular sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, hanggang ngayong araw sana ang ipapatupad na heightened alert ng PNP kaugnay ng Ligtas Paskuhan 2024, pero dahil sa sunod-sunod ang major events sa bansa ay papalawigin ito hanggang sa election period.

Bukod sa Traslacion na gaganapin sa January 9 ay magkakasa din ang Iglesia Ni Cristo ng peaceful rally sa January 13 at magtutuloy-tuloy na ito sa campaign period.

Dagdag ni Fajardo, nasa desisyon ng regional directors kung magpapatupad din sila ng heightened alert status sa kanilang mga lalawigan, depende sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us